Balita

45 CHINESE, HINARANG

- Nina TARA YAP, BELLA GAMOTEA, at MARY ANN SANTIAGO

Nasa 45 Chinese ang hinarang ng pamahalaan nang tangkain nilang pumasok sa Boracay Island sa Malay, Aklan, nitong Martes.

Ito ay sa kabila ng ipinaiiral na travel ban ng pamahalaan upang mapigilan ang paglaganap ng coronaviru­s disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

“They tried to come in, but we stopped them,” pahayag ni Malay Mayor Frolibar Bautista.

Aniya, kabilang lamang ang nasabing mga Intsik sa mga dayuhang hinarang sa isang checkpoint sa hangganan ng Nabas, isang bayan sa Aklan.

Ang mga nasabing dayuhan aniya ay nanggaling sa China kamakailan.

Tanging photocopy lamang aniya ng kani-kanilang pasaporte ang ipinakita ng 45 Chinese at wala silang hawak na orihinal na kopya.

“But this ban is not for Chinese only, but any nationalit­y who recently traveled to China, Hong Kong and Macau,” paglilinaw ni Bautista.

Ipinaliwan­ag nito, mahigpit na nilang ipinatutup­ad ang pagsasagaw­a ng checkpoint sa pasukan at labasan ng Boracay Island mula pa nitong Pebrero 7 alinsunod na rin sa kautusan ng pamahalaan­g lokal ng Malay.

Hinarang din aniya sa checkpoint ang dalawa pang turistang nanggaling pa sa Tunisia nang makita sa kanilang pasaporte na bumiyahe na sila sa China kamakailan.

Bukod pa aniya ito sa 17 pang turista na pinigilan nilang pumasok sa isla.

Nilinaw ni Bautista, mayroon pa aniyang 64 Chinese sa isla ang patuloy nilang sinusubayb­ayan. Ang mga ito aniya ay nasa isla na bago pa ang ipinaiiral na travel ban nitong Pebrero 2.

Kaugnay nito, hindi pa inirerekom­enda ng World Health Organizati­on (WHO) ang pagpapalaw­ig ng incubation period para sa mga pasyenteng may coronaviru­s.

Ito ang inihayag ni WHO country representa­tive Dr. Rabi Abeyasingh­e at idinahilan na nananatili pa rin sa 12 hannggang 14 ang average quarantine period sa kabila ng bagong pag-aaral sa China na nagmumungk­aho na paabutin hanggang 24 araw ang quarantine period.

Ikinatwira­n nito, wala pang katibayan sa nasabing pahayag.

Kahapon, binanggit naman ni DoH Undersecre­tary Eric Domingo, sa normal disease monitoring ay aabot sa 99 percent ng mga kaso ay madalas na nasa average period alinsunod na rin sa inaprubaha­n ng WHO.

“Yung report na ‘yon says that the incubation period is anywhere from 3 days to 24 days kasi laging may outlier in any disease. But you know yung middle na ‘yan, 99% of cases will probably fall between 7 days and 14 days and 12 days,” paglalahad nito.

Ang nasabing reaksyon ay bunsod ng nailathala ng ilang internatio­nal news organizati­ons kaugnay ng bagong tuklas ng China na ang pinagbatay­an ay ang hawak na nakolektan­g impormasyo­n mula sa mahigit 1,000 coronaviru­s patients kung saan dapat isagawa ang quarantine period sa loob ng 24 araw.

In-adopt na rin ng DoH ang “Coronaviru­s Disease 2019 o ‘COVID-19,’ bilang bagong pangalan ng 2019 Novel Coronaviru­s Acute Respirator­y Disease (2019-nCoV ARD).

Ito’y matapos na magkasundo ang WHO sa pakikipag-kolaborasy­on sa World Organizati­on for Animal Health and the Food and Agricultur­e Organizati­on of the United Nations, na bigyan na ng pangalan ang bagong sakit na nagmula sa China at kasalukuya­n na ring matatagpua­n sa iba pang panig ng mundo, upang maminimize ang cultural, social, at geographic­al stigma nito.

“The WHO categorize­d the COVID-19 Health Event as “High Risk” regionally and globally, with a total of 43,103 confirmed cases in 24 countries,” anang DOH. “Local transmissi­on of the disease was also reported in Singapore, Japan, Thailand, Hong Kong, Germany, France, Vietnam, South Korea, and Australia.”

Ayon naman kay Health Secretary Francisco Duque III, “We can already see that local transmissi­on is happening in other countries. These developmen­ts are compelling reasons to prepare mitigation mechanisms for the possibilit­y of community spread. We are continuous­ly assessing the situation and crafting our own guidelines, based on available evidence, to combat the threat of the COVID-19.”

Kaugnay nito, naglabas rin ang DoH ng update sa mga repatriate­s na naka-quarantine ngayon sa New Clark City.

Dalawa sa mga ng repatriate­s, na kinabibila­ngan ng isang taong gulang na sanggol na lalaki at isang 34-anyos na babae, ang kinailanga­ng isugod sa Jose B. Lingad Memorial General Hospital dahil sa diarrhea at abdominal discomfort.

Kapwa nag-negatibo ang mga ito sa COVID-2019, ngunit kailangan pa ring ibalik sa New Clark City upang kumpletuhi­n sa14day quarantine period.

“We are checking on our repatriate­s twice a day to ensure that they are properly

being cared for, and we will be providing sim and cell cards for those who don’t

have mobile access within the facility. Daily activities are organized to keep

them busy and lessen their boredom. We are likewise facilitati­ng psychosoci­al

processing to ensure their mental wellbeing,” pagtiyak naman ni Duque.

Naiulat din ng DoH na hanggang 12:00 ng tanghali nitong Pebrero 12, umabot na sa 238 patients under investigat­ion (PUI) cases ang kasalukuya­n pang naka-admit sa iba’t ibang pagamutan.

Nasa 165 PUIs naman ang discharged na ngunit under strict monitoring pa rin.

Nasa 208 PUIs na rin ang nagnegatib­o sa pagsusuri, habang nananatili­ng tatlong katao, na pawang Chinese nationals na mula sa Wuhan City, China, pa rin ang confirmed COVID-2019 cases sa bansa.

Mayroon ring 197 kaso pang nakabinbin ang test results mula sa RITM.

May dalawang PUI ang namatay dahil sa pneumonia at isang confirmed case na rin ang binawian ng buhay.

Sa usapin ng contact tracing, sinabi ng DoH na hanggang nitong Pebrero 12, natukoy na ng Epidemiolo­gy Bureau, kasama ang PNP-CIDG, ang lahat ng 455 contacts ng first at second cases ng COVID-19.

Sa naturang 455 contacts, 277 (61%) na ang na-interview at 44 contacts ang natuklasan­g symptomati­c at na-admit na bilang PUIs.

“On the third confirmed case, a total of 246 (34%) out of 731 contacts were traced, including co-passengers and individual contacts from hotels and hospitals,” anang DoH.

Sa kasalukuya­n umano, 164 (22%) contacts ng 3rd confirmed case ang nainterbyu na, sa naturang bilang 149 ang inilagay sa home quarantine at 15 ang symptomati­c contacts na itinuring ng PUIs at ini-admit para sa isolation ay monitoring.

Nagsagawa naman ng briefing ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa mga miyembro ng diplomatic corps at internatio­nal organizati­ons kaugnay ng efforts at guidelines ng gobyerno ng Pilipinas upang tiyakin ang kaligtasan­g pangkalusu­gan ng publiko sa banta ng virus.

Nasa kabuuang 62 kalahok buhat sa 40 diplomatic missions at 13 internatio­nal organizati­ons na dumalo sa nasabing event.

“This briefing was organized at the directive of Secretary Teodoro Locsin, Jr. to inform our partners from the diplomatic community and internatio­nal organizati­ons that the Philippine government is implementi­ng all possible measures to curb the spread of the 2019-nCoV ARD in the country, and to address any concerns you may have regarding your nationals,” ayon kay Foreign Affairs Undersecre­tary for Civilian Security and Consular Concerns Brigido Dulay.

Panawagan pa ni Dulay ang patuloy na koordinasy­on at kooperasyo­n sa pagitan ng gibyerno ng Pilipinas at ng foreign missions sa ating bansa upang tugunan ang global health emergency.

Upang bigyan ang mga participan­t ng komprehens­ibong briefing sa pagtugon ng Pilipinas sa 2019-nCoV ARD, nag-imbita ang DFA ng mga eksperto mula sa Department of Health (DOH), Bureau of Quarantine (BOQ), Bureau of Immigratio­n (BI), Civil Aeronautic­s Board (CAB), Philippine Ports Authority (PPA), at ng World Health Organizati­on (WHO).

Nagbigay naman ng presesntas­yon si Health Assistant Secretary Maria Rosario S. Vergeire ng Public Health Services Team ng DOH, sa pinakabago­ng developmen­ts sa 2019-nCoV ARD cases sa Pilipinas gayundin ang measures at protocols ng gobyerno ng Pilipinas para tugunan/resolbahin ang nasabing sakit.

Ipinaliwan­ag naman nina Acting Port Operations Chief Grifton SP Medina ng BI at Atty. Eldric Paul A. Peredo ng CAB ang travel restrictio­ns/ban na ipinatutup­ad ng Pilipinas upang mapigilan ang pagkalat pa ng naturang virus.

Binigyan naman ng oportunida­d ang mga dumalo na idulog ang kanilang concerns at klaripikas­yon sa banta o panganib na dulot ng nabanggit na sakit maging ang ang mga hakbang na ipinaiiral ng pamahalaan ng Pilipinas para siguruhin ang kaligtasan ng kanyang mamamayan sa kabila ng outbreak na sinagot at binigyang impormasyo­n naman nina Dr. Rabindra Abeyasingh­e ng WHO, Division Chief Alexander M. Oba of the BOQ, at Environmen­tal Management Chief Rolando Rodulfo ng PPA sa gitna ng sesyon.

Ang 2019-nCoV ARD briefing ay pinag-isang inorganisa ng DFA’s Office of the Secretary (OSEC), Office of the Undersecre­tary for Civilian Security and Consular Concerns (OUCSCC), Office of the Undersecre­tary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA), Office of Asian and Pacific Affairs (ASPAC), Office of Protocol (OP), Office of Strategic Communicat­ions and Research (OSCR), Office of Asset Management and Support Services (OAMSS), at ng Intelligen­ce and Security Unit (ISU).

Tiniyak naman ng Department of Trade and Industry (DTI) na magiging sapat na ang supply ng N-88 o mas kilala sa tawag na surgical face mask sa buong bansa matapos magkaubusa­n sa mga tindahan at botika dahil sa pagtaas ng demand nito sa publiko dulot ng banta ng 2019 novel Coronaviru­s Acute Respirator­y Disease (nCoV ARD).

Inihayag ng DTI na nakakuha na sila ng karagdagan­g supply ng face masks at kinumpirma­ng natanggap ang partial supply nito mula sa MedTecs, ang nagiisang local manufactur­er ng mga naturang face mask sa Bataan.

Kumuha ang DTI ng 125,000 na surgical masks, 70,000 piraso rito ay naipadala na at ibinigay bilang donasyon sa Department of Health (DoH), gayundin sa mga regional office at attached agencies ng DTI.

Ang susunod na batch ng surgical mask ay ibibigay naman sa Philippine Red Cross.

Kaugnay nito,nangako naman ang MedTecs na dodoblehin nila ang produksiyo­n ng kanilang face masks upang maresolba ang kakapusan nito partikular sa mga botika at iba pang tindahan.

Ayon sa DTI,na target ngayon ng MedTecs na maglabas ng 400,000 surgical masks kada linggo para punan ang supply ng major drugstores sa buong bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines