Balita

Shaina, Barbie, at Isabelle brave and beautiful sa ‘FPJAP’

- Ni REGGEE BONOAN

SA pagdagdag ng bagong mukha sa FPJ’s Ang Probinsyan­o ay iisa ang tanong ng lahat netizens, ‘hanggang kelan ba ang serye? Aabot pa ba sila?’ Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na may kinakahara­p na problema ngayon ang ABS-CBN tungkol sa renewal ng prangkisa.

Kaya ang lahat ng kababayang Pinoy sa buong mundo ay nagpahayag ng kanilang saloobin tungkol sa Kapamilya network na huwag itong ipasara dahil ang mga programang napapanood nila sa pamamagita­n ng TFC lang sila nakakabali­ta kung ano ang nangyayari sa Pilipinas at sumasaya sila kapag napapanood nila ang mga paborito nilang artista sa mga teleseryen­g inaabangan nila.

Isa na ang FPJ’s Ang Probinsyan­o sa pinakakaab­angan ng mga kababayan nating Pinoy na kahit na sinasabi ng iba na nakakasawa na, pero patuloy pa rin nilang pinanonood kasi nga maganda ang takbo ng kuwento, lalo’t inaabangan kung kailan mawawala sa landas ang asawa ng Presidente na si Lily played by Lorna Tolentino.

Anyway, dahil nahihirapa­ng lutasin ng grupo ng Task Force Aguila sa pangunguna ni Cardo Dalisay (Coco Martin) ay kinailanga­n ang tulong ng tatlong pulis na babae sa pangunguna ni Shaina Magdayao bilang si Police Major Roxanne Opena, Isabelle de Leon as Police Lieutenant Mariel Lazcano at Barbie Imperial bilang Police Lieutenant Camille Villaluna.

Sa episode na umere nitong Martes ay ipinakilal­a na ang tatlo sa grupo ni Cardo na mainit naman silang tinanggap maliban sa huli na sambakol ang mukha kasi nga may pinagdadaa­nang problema dahil sa lolo niyang ikinulong sa kasalanang hindi ginawa.

Napansin kaagad ni Roxanne na mainit ang dugo sa kanya ni Cardo kaya curious siyang malaman ang background nito at dahil sa ipinakitan­g kagaspanga­n ng ugali ay naisip na baka nga may dahilan bakit nakulong ang lolo nitong si PM Delfin Borja (Jaime Fabregas).

Pero mukhang hindi na magkakasam­a ang dalawa dahil nagbitaw na sa kanyang tungkulin bilang pulis si Cardo nang patawan siya ng suspension ng hepe nilang si General Hidalgo na ginagampan­an ni Rey Malonzo.

Ang posisyong nabakante ni Denise Laurel bilang Police Major Alessandra Romero ang ibinigay kay Shaina.

Samantala, nabanggit ni Lorna kamakailan na hanggang Marso pa siya sa aksyon-serye ni Coco, ang grupo kaya nina Shaina, Isabelle at Barbie ang makakatukl­as sa gawain niya at makakalaba­n niya?

Going back to Shaina, paano niya mapapalamb­ot ang puso ni Cardo? Siya kaya ang bagong pagseselos­an ni Yassi Pressman as Alyana?

 ??  ??
 ??  ?? Shaina
Shaina
 ??  ?? Barbie
Barbie
 ??  ?? Isabelle
Isabelle

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines