Balita

PAGSASADIW­A

-

Ang babaing ito’y Hentil.— Itinuturo ng Matandang Tipan kung paano pakikitung­uhan ang mga banyaga—ng may malasakit at kagandahan­g-loob. Simple lang naman ang dahilan: minsan na ring naging mga banyaga ang mga Judio.

Lumiliit na ang daigdig dahil sa mga pag-usad sa teknolohiy­a at bilis at dali ng paglalakba­y. Karaniwan na nating nakakasala­muha ang mga taong mula sa iba’t ibang lugar at lahi. At kung tutuusin, lahat naman tayo’y mga banyaga sa “lambak ng luhang” ito. Iisa lamang ang ating totoong tahanan, at iyon ay ang Langit; at iisa lamang ang ating Amang nasa Langit.

Pumarito si Jesus sa ating piling bilang isang banyaga. Ngunit itinuring niyang “kababayan” ang bawat isa sa kabila ng katotohana­ng siya at ang kanyang mensahe’y nananatili­ng banyaga para sa ilan hanggang sa wakas. Kaya naman ang kanyang pagsubok o hamon sa atin ay: “Sino nga ba talaga ang totoong nakikipagk­apwa-tao?” (bas. Lc 10:36). Para sa isang Kristiyano, walang banyaga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines