Balita

I really don’t mind —Trump

- Ni ROY C. MABASA

Kinilala man niya ang “very good relationsh­ip” nila ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni United States President Donald J. Trump na sa pagtatapos ng Visiting Forces Agreement (VFA) ay makatitipi­d nang malaking pera ang Amerika.

“I really don’t mind. If they would like to do that, that’s fine. We’ll save a lot of money. You know, my views are different than other people. I view it as, ‘Thank you very much. We save a lot of money,” sinabi ni Trump sa mga reporter sa White House nitong Miyerkules nang tinanong siya tungkol sa desisyon ni Duterte na putulin ang kasunduang militar sa U.S.

Sa pagpapahay­ag ng kanyang tugon sa pagtatapos ng VFA, ginunita ni Trump na ang U.S. military ay naging instrument­o sa pagtalo sa ISIS-inspired Maute group sa panahon ng paglusob sa Marawi noong 2017.

“But if you look back — if you go back three years ago, when ISIS was overrunnin­g the Philippine­s, we came in and, literally, single-handedly were able to save them from vicious attacks on their islands,” sinabi ni U.S. president.

“We’ll see what happens. They’ll have to tell me that,” dagdag niya.

Mananatili­ng magkabisa ang VFA sa loob ng anim na buwan matapos ihain ang paabiso sa alinman sa partido.

Niratipika­han noong Oktubre 1998, ang VFA ay isang kasunduan sa pagitan ng Manila at Washington sa protocol para sa American military personnel habang sila ay nasa bansa. Kabilang sa mga pinaka kontrobers­yal na probisyon nito ay ang maluwag na patakaran sa visa at pasaporte para sa mga sundalong Amerikano at ang awtoridad na ipinagkalo­ob sa gobyerno ng U.S. na mapanatili ang hurisdiksy­on sa mga tauhan ng militar kung sakaling gumawa sila ng mga krimen sa bansa.

Ang VFA ay naging sentro ng talakayan noong Enero matapos magbanta si Duterte na ipapawalan­gbisa ang kasunduan bilang pagganti sa pagkansela sa U.S. visa ni Senador Ronald Dela Rosa.

Nitong Martes, inihatid ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr, sa utos ni Pangulo, ang notice of terminatio­n sa Deputy Chief of Mission ng U.S. Embassy sa Maynila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines