Ito ho ba ang tamang solusyon? –Angel Locsin

Balita - - Front Page - Ni NITZ MIRALLES

SA kanyang latest post sa Instgram (IG) na may kinaalaman sa franchise issue ng ABS-CBN, kasama ni Angel Locsin ang mga empleyado ng network, ang mga mawawalan ng trabaho kapag napasara ang Kapamilya Network.

Post ni Angel: “Mga cameramen, utility, art department, technical department, production, actors, directors, caterers, producers, lightmen, crew, tents, etc... Mga ilan sa libo-libong tao sa loob ng isang network. KAMI po ang ABSCBN. Sa ilang taon ko po sa ABS-CBN, nakilala at minahal ko ang mga tao dito. I have listened and known their stories--- kung anong mga pinag-iipunan nila, magkano pa ang utang, sino ang nakasakit...lahat pinagpapag­uran para pos a pamilya nila.

“I may have not renewed my contract with ABS since I’m preparing for my wedding, but these men will always be my family and I will stand by them. Mahal ko sila at hindi poi to drama kundi kung sino po ang mas magdurusa sa sitwasyong ito. Bago po tayo magsalita, isiping mabuti kung makakasira ba ito ng buhay ng napakarami­ng tao. Kung ito ho ba ang tamang solusyon? Kung meron pong pagkakamal­i man, gawin po nating tama. Hindi po ang pagpapasar­a ng isang network ang makakatulo­ng sa amin at sa pamilya po namin. We have families that rely on us kagaya nyo rin po. Konting pag-unawa lang po. Isang pakiusap. ABS-CBN team behind the set. #NoToABSCBN­ShutDown.”

Isa sa nag-react sa post ni Angel ang fiance niyang si Neil Arce by posting the emoji of clinched fist na ibig sabihin, laban.

Muli, pinuri ng netizens ang post na ito ni Angel na lagi raw nasa tamang punto, kagaya ng una niyang post.

Angel

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.