Balita

Estudyante, todas sa jeep

- Ni BELLA GAMOTEA

Patay ang isang Grade 8 student habang sugatan naman ang pito pang estudyante ng Pio Del Pilar National High School,na nakasabay nito sa pagtawid nang araruhin sila ng isang pampasaher­ong jeepney sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Binawian ng buhay ang biktima na si Jules Villapando,14, ng San Diego Street, Barangay Olympia, Makati City, sanhi ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Isasailali­m naman sa operasyon sina Alvin Regalario,14, taga-4042 Yague St., Tejeros, na nagtamo ng maraming bali sa katawan at traumatic brain injury, at Donita De Chavez,13,ng 1387 Pagkakaisa, Kasilawan, bunsod ng bali sa tadyang kahit na ngayon ay nasa stable na kondisyon.

Nasugatan din sina Sherjen Arucan, 14; Dexter Aquino, 13; Oscar Wendell Ponce,17; Andrei Niko dela Cruz, 15, at Phoebe Maree Bantigue,15.

Samantala mahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at multiple physical injuires ang driver ng jeep na si Crisalde Jaictim Tamparo, 31, binata, tubong Bag-Ong Ariosa, Molave, Zamboanga del Sur.

Sa imbestigas­yon ni E/M/S Romel Salvador,ng Vehicular Traffic Investigat­ion Unit,naganap ang aksidente sa J.P Rizal Avenue malapit sa panulukan ng Mabini St., Bgy./ Poblacion, dakong 7:20 ng gabi.

Sa kuha ng closed-circuit television camera sa lugar, pinahinto ng isang traffic enforcer ang mga sasakyan upang bigyang daan ang pagtawid ng mga estudyante subalit sa halip na huminto ang pampasaher­ong jeepney na may plakang PYV 848 na minamaneho ni Tamparo, nang biglang kinabig nito sa kaliwa at nagcounter­flow hanggang sa araruhin nito ang mga nasabing biktima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines