Parak, nirapido; patay

Balita - - Front Page -

Isang pulis ang napatay nang pagbabaril­in ng riding in tandem habang nanonood ng telebisyon sa loob ng isang restaurant sa Malate, Manila, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si PSSG Roel Orihuela, 47, at taga-P. Zapanta Street, Singalong, Malate habang inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakil­anlan ng mga nakatakas na salarin sa krimen.

Sa ulat ni PSMS Bernardo Cayabyab, ng Manila Police District- Crimes Against Persons Investigat­ion Section (MPD

Ni MARY ANN SANTIAGO

CAPIS), naganap ang insidente dakong 8:45 ng gabi nitong Huwebes sa loob ng Arjurie Restaurant na matatagpua­n sa 2547 Arellano Avenue corner Don Pedro Street, Malate.

Sa imbestigas­yon na bago ang krimen ay abala sa panonood ng telebisyon sa loob ng nasabing restaurant ang biktima nang biglang dumating ang dalawang lalaki at pinaulanan ng putok ang biktima.

Nang matiyak na napuruhan ang target ay nagmamadal­ing binalikan ng mga salarin ang isang motorsiklo­ng ipinarada sa di kalayuan at humarurot papalayo upang tumakas.

Sinakloloh­an naman at isinugod ng kapatid na si Ariel Orihuela ang duguang biktima sa Ospital ng Maynila ngunit patay na ito dahil sa dami ng mga tama ng bala sa iba’tibang bahagi ng katawan.

Sa nakalap na impormasyo­n, ang biktima ay nare-assign sa Mindanao at kaya lang umano nagtungo sa Maynila upang lakarin na maitalaga muli siya sa Maynila.

Patuloy pa namang inaalam ng mga awtoridad ang motibo sa krimen.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.