Bomb expert, utas sa sagupaan

Balita - - Front Page - Fer Taboy

Patay ang isang umano’y bomb expert ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) nang makaengkuw­entro ng grupo nito ang militar sa North Cotabato, kamakailan.

Kinilala ang napatay na terorista na si Katato Samad, miyembro Dawlah Islamiya at bomb expert ng Karialan faction.

Ayon sa militar, bukod kay Samad na sugatan din ang dalawang kasamahan nito na sina alyas ‘Tato’ at ‘Mursid’ na nakatakas sa operasyon ng militar.

Sinabi naman ni 602nd Brigade chief, Brig. Gen. Robert Capulong, muling naglunsad ng focused military operation ang mga tauhan ng 7th

Infantry Battalion sa pamumuno ni Lieutenant Colonel Niel Roldan sa Sitio Blah, Bgy. Manaulanan sa Pikit ng nasabing lalawigan.

Paparating pa lamang aniya ang tropa ng militar sa kuta ng BIFF nang paputukan ng mga terorista.

Tumagal ng kalahating oras ang engkuwentr­o at umatras ang mga rebelde nang paputukan sila ng mga sundalo, gamit ang 81 mm mortar.

Narekober ng militar sa isang kubo kung saan nagtatago ang grupo ni Samad ang isang motorsiklo, dalawang improvised explosive device (IED), mga bala, sangkap sa paggawa ng bomba at personal na kagamitan ng mga rebelde.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.