Balita

Kyline, top secret ang grand debut

- Ni NORA V. CALDERON

BAKAS ang saya at nerbiyos ng young Kapuso actress na si Kyline Alcantara sa media launch ng bago niyang GMA Afternoon Prime drama series na Bilangin Ang Bituin Sa Langit.

Inamin ni Kyline ang naramdaman­g nerbiyos sa story conference pa lamang nila nang makaharap na niya ang bumubuo sa cast – superstar Nora Aunor, Mylene Dizon, Zoren Legaspi, Ricky Davao, Divina Valencia, Gabby Eigenmann, Isabel Rivas, Ina Feleo, at Yasser Marta, na first time siyang magkakaroo­n ng leading man sa isang serye. Higit sa lahat, ang magdidirek ng serye ay ang pamosong director na si Ms. Laurice Guillen.

“Ang sarap po sa pakiramdam na binigyan ako ng GMA ng ganito kalaking project at isama sa mga malalaki at mahuhusay na artista,” nakangitin­g sabi ni Kyline. “Mas lalo pong surreal nang malaman kong ang proyekto ay unang ginawa ni

Ms. Aunor in 1989 sa Regal Films at naging blockbuste­r noong panahong iyon. Dual role po siya roon at gagampanan ko ngayon iyong character niya na anak ni Cedes, si Maggie. Siya naman po ang magiging Cedes at ang anak niyang si Magnolia ay gagampanan ni Ms. Mylene, na siya ko namang nanay.”

Magiging leading man nga ni Kyline si Yasser Mata, bakit magiging bawal ang pag-ibig nila?

“Sa story po kasi, magkakaroo­n ng relasyon ang nanay ko kay Tito Zoren, ako po ang magiging anak nila. Nagkakilal­a kami ni Yasser as

Jun, mai-in love kami sa isa’t isa, without knowing na magkapatid pala kami dahil anak si Jun ni Tito Zoren kay Margaux (Ina). Dumaan pa rin po muna si Yasser sa audition, marami silang nag-audition, pero nagkasama na kami ni Yasser sa Kambal Karibal, my first series sa GMA. At nakita naman nila na may chemistry kami sa roles na gagampanan namin.”

Pero may isa pang bagay na nai-excite si Kyline, ang nalalapit niyang debut sa September 1.

Grand debut ba ang magaganap?

“Yes po, at ngayon pa lamang nagmi-meeting na kami pero wala pa po akong pwedeng ikuwento sa details, kaya focus muna ako sa Bilangin Ang Bituin Sa Langit dahil world premiere na namin sa February 24, at excited na rin akong maka-eksena si Ms. Nora Aunor, hindi pa po kasi kami nagkakasam­a simula nang mag-taping kami,” pagbabahag­i niya.

 ??  ??
 ??  ?? Yasser at Kyline
Yasser at Kyline
 ??  ?? Nora
Nora

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines