Balita

Zombie love story bagay kina Liza at Daniel

- Ni REGGEE BONOAN

“SANA huwag naman ako i-bash,” ito ang pahayag ni Direk Sigrid Andrea Bernardo nang sagutin niya ang tanong kung sino sa young stars ngayon sa showbiz ang gusto niyang i-direk dahil nagagaling­an siya.

Sina Daniel Padilla at Liza Soberano kasi ang sagot ng direktora sa tanong.

“Why not! Nagagaling­an ako sa kanila. Bagay naman sila, ‘yun ang tingin ko. Gusto ko lang na iba naman, okey din naman si Kathryn (Bernardo). Fan ako ng KathNiel at LizQuen. Gusto ko lang na iba,” paliwanag niya.

Tama rin naman ang sagot ni direk Sigrid para maiba naman, at anong genre ito?

“Para walang ano zombie film, love story na zombie film, para walang ano (kissing scenes),” nakangitin­g sabi pa.

Oo nga kasi kung rom-com ito, hindi maiiwasang walang intimate scenes at ayaw ito ng fans ng bawa’t isa lalo na ang supporters ng KathNiel at LizQuen.

Bakit nga ba sina Liza at Daniel ang tipo ni direk Sigrid?

“Kasi si Liza refined, si Daniel puwede kasing mag-act ng bargas, so I don’t know, gusto ko lang silang dalawa,” wika niya.

“Grabe naman kung iba-bash ako, bakit naman si Kathryn pinartner kay

Alden (Richards) at naging blockbuste­r. Ito ‘yung madalas kong sabihin na dapat maiba lang, bakit sa Untrue, si Xian (Lim) ba at si Cristine (Reyes) ba? Hindi naman ‘di ba, pero bagay sila,” dagdag pa niya.

“Sana ‘yung mga Pinoy na umiidolo sana hayaan nilang magkaroon ng growth ang mga artista tulad sa ibang bansa hindi naman magkaka-loveteam, ‘yung iba may mga asawa’t mga anak na like si Angelina

Jolie kinikilig ka pa rin kapag ipinartner mo sa iba. It’s really their acting hindi ‘yung branding lang nila na loveteams, ‘yung material din,” giit niya.

Naniniwala rin si direk Sigrid na magagaling ang mga love teams ngayon at nail-limit lang dahil nga sa branding sa kanila.

Naniniwala na kapag magaling ang isang artista, kahit walang kasamang love team ay aangat o tatayo tulad nina John Lloyd Cruz, Bea Alonzo, Angelica Panganiban at iba pa.

Anyway, ang pelikulang Untrue nina Xian at Cristine na produce ng Viva Films ay mapapanood na sa Pebrero 19.

Ayon kay direk Sigrid, ito ang “pinakamahi­rap na pelikulang nagawa ko sa buong karera ko.”

 ??  ??
 ??  ?? Direk Sigrid
Direk Sigrid
 ??  ?? Liza
Liza
 ??  ?? Daniel
Daniel

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines