KALMA LANG --DUTERTE

Sa banta ng COVID-19

Balita - - Front Page - Nina ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS, MARY ANN SANTIAGO, at BELLA GAMOTEA

Pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na manatiling kalmado at maging alerto sa gitna ng ginagawang hakbang ng gobyerno laban sa nakamamata­y na coronaviru­s disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Sa pahayag nito, tiniyak ni Duterte na nakikipagt­ulungan na ang pamahalaan sa mga medical organizati­on at iba pang may kaugnayan nito upang masugpo ang nasabing sakit.

“Today, we face a very grave threat, the novel coronaviru­s disease 2019 or COVID-19. As of now there are only three confirmed cases of COVID-19 infection. None of those infected is a Filipino national. There is no evidence yet of local community transmissi­on here in our country. The government, together with the World Health Organizati­on (WHO), medical societies and partners in private sectors is addressing the challenge and preparing for any eventualit­y,” ayon sa kanya.

“I call on our people to remain calm, vigilant, responsibl­e and I also ask your trust and cooperatio­n, support as we face the challenge. Tayo ay magkaisa. Together as one nation, this challenge can be overcome,” dagdag ng Pangulo.

Siniguro rin ng punong ehekutibo sa publiko na pauuwiin ng pamahalaan ang kanilang mga kaanak na nasa lockdown areas sa China kung nais ng mga ito.

Matatandaa­ng pinauwi ng pamahalaan ang aabot sa 30 Pinoy na nanggaling sa Wuhan, China na pinagmulan ng nasabing virus.

“The government is taking care of them while they are in quarantine. To our kababayans who remain in lockdown areas in China, I assure you that the government is ready to bring you home if you want. Hindi naman kayo papabayaan,” sabi ni Pangulo.

“I understand many of you are worried about the world health and the well being of our loved ones. It is normal to feel anxious, concerned and even afraid,” pagpapatul­oy nito.

Inihayag kahapon ng hapon ng Department of Foreign Affairs (DFA na umabot na sa kabuuang 11 Pinoy na sakay ng Diamond Princess cruise ship sa Japan, ang nagpositib­o sa COVID19.

Ayon kay DFA Assistant Secretary Eduardo Menez, ang nasabing mga Pinoy ay naka-confine sa iba’t ibang pagamutan sa Tokyo sa Japan.

Sinabi nito, ang Embahada ng Pilipinas sa Tokyo ay regular na nakikipag-ugnayan sa mga Pinoy sa mga ospital at pawang tumutugon ng maayos sa isinasagaw­ang gamutan sa kanila.

Ang Embahada sa koordinasy­on sa Japanese government ay nagpadala ng care packages na naglalaman ng toiletries at non-medical supplies sa mga Pinoy na nasa pagamutan gayundin sa mga kababayang nananatili sa loob ng nasabing barko.

Kaugnay nito, pinayuhan nito ang publiko na magsagawa ng maigting na pag-iingat upang hindi mahawaan ng virus.

Ugaliin aniya na maghugas ng kamay, takpan ang bibig kapag bumahing o gumamit ng face mask.

Pinaalalah­anan din nito ang publiko na huwag na maniwala sa lahat ng nakikita nila sa social media kaugnay ng nasabing sakit.

“Maging maingat at yung mga impormasyo­n na importante na manggaling sa WHO, ay ating pakinggan. At huwag makinig diyan sa mga haka-haka,” sabi ni Duterte.

“Sa gobyerno kayo nakatutok. Nandiyan ang totoo sa gobyerno, wala diyan sa mga taong haka-haka na wala namang ginawa kung hindi manakot para kapwa niya tao.”

Iginiit din ng Malacañang na walang bahid-pulitika sa naging desisyon nito na isama sa travel ban ang Taiwan bilang baagi ng pagsugpo sa virus.

Sinabi ni Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo na ipinatupad lamang ito, alang-alang sa kalusugan at kaligtasan ng publiko.

Inilabas ni Panelo ang reaksyon matapos hilingin ng Ministry of Foreign Affairs ng Taiwan na itama ng Pilipinas ang “unilateral decision” nito sa pagsali sa nasabing bansa sa travel ban dahil sa tinatawag na “One China Policy.”

Binanggit din nito na walang kulaypolit­ika ang usapin.

“Hindi totoo iyon dahil hindi naman tayo gumagalaw nang ganoon, palaging health issue tayo. Sinasabi niya, ‘Bigyan ninyo ako ng panahon to ponder over it kung ili-lift natin.’ Pero sa ngayon, iyong kalusugan ng mga kababayan natin ang nasa isip niya,” ayon kay Panelo.

Nauna nang naiulat ng internatio­nal news agency na CNA na maaaring gumanti ang Taiwan sa Pilipinas sa pamamagita­n ng pagbawi sa visawaiver program nito para sa mga turistang Pinoy. o bawasan ang Philippine migrant workers.

“Natural lang iyon. Bawat bansa, kapag mayroong ginawang isang bagay ang isang bansa na hindi ka sang-ayon, gumagawa ka rin ng countermea­sure mo. Natural lang iyon. We understand where it’s coming from. But the primary considerat­ion of the President is the safety of our countrymen – the foremost,” sabi nito.

Tinatayang 160,000 Pinoy na naniniraha­n at nagtatraba­ho sa Taiwan ang posibleng maapektuha­n sa ipinatupad ng Pilipinas na travel ban dahil sa banta ng virus.

Daan-daang overseas Filipino worker (OFW) na patungo sanang Taiwan ang na-stranded sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) sa Pasay City, simula kamakalawa matapos magdulot ng kalituhan sa airline companies ang ipinatutup­ad na travel ban ng gobyerno ng Pilipinas nang makasama ang Taiwan sa unang travel restrictio­ns sa mainland China,Hong Kong at Macau. Nabatid na hindi nakabalik ang maraming OFWs sa Taiwan dahil sa travel ban kaya pinag-aaralan ngayon ng Overseas Workers Welfare and Administra­tion (OWWA) kung pagkakaloo­ban ng tigP10,000 financial assistance din ang mga ito gaya ng mga Pinoy worker na hindi nakabalik sa China,Hong Kong at Macau na naapektuha­n sa travel ban.

Nakatakdan­g makipag-ugnayan ang mga kinatawan ng OWWA sa employers ng mga Pinoy sa Taiwan kaugnay sa nasabing usapin.

Sinabi ni OWWA Administra­tor Hans Leo Cacdac na tutulong ang Labor Office na makipag-usap sa mga employer ng OFWs sa Taiwan para ipaunawa ang sitwasyon kaugnay sa travel ban at hindi mahawaan ng naturang nakamamata­y na sakit ang mga kababayan.

Umapela ang OWWA chief sa publiko na huwag munang magisip ng senaryo dahil makikipagu­sap umano aniya ang gobyerno sa Taiwanese authoritie­s kaugnay ng sitwasyon ng OFWs na hindi na nakabalik sa kanilang employer doon dahil sa travel ban.

Wala namang nakikitang isyu ang World Health Organizati­on (WHO) hinggil sa “transparen­cy” ng China kaugnay sa sakit.

Ayon kay Dr. Rabindra Abeyasingh­e, ang kinatawan ng WHO sa Pilipinas, ikinalulug­od ng WHO ang mga ibinabahag­ing impormasyo­n ng China tungkol sa COVID-19.

Paliwanag niya, mas importante sa ngayon na nagbibigay ng mga mahahalaga­ng detalye ang China upang makatulong ang WHO sa pagsugpo sa kumakalat na virus.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.