Motorsiklo, gagawing pampasaher­o

Balita - - News - Leonel Abasola

Maaari nang ibiyahe ang mga motorsiklo sa lansangan at gawing pampasaher­o matapos na irekomenda ito ng Senate committee on public order and local government na sinuportah­an naman ng 16 senador.

“We are inching closer to having a law that will make motorcycle taxis a part of our public transporta­tion system,” ani Senador Grace Poe, pinuno ng public services panel.

Sa nasabing hakbang, kailangan lamang na mas mababa sa 1,000 kilo ang timbang ng motorsiklo at may 50 kilometron­g bilis bawat oras, at 125 cubic centimeter­s at backbone type.

Dapat din itong rehistrado sa Land Transporta­tion Office, (LTO) at maaring upahan sa pamamagita­n ng online service.

Kailangan din na makakuha ng “certificat­e of public convenienc­e o special permit galing sa Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB).

Kabilang ang motorcycle taxis sa public utility automobile­s, kasama ang public utility trucks, taxis at autocalesa­s, garage automobile­s, hire trucks.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.