Malacañang, dumistansy­a sa VFA issue

Balita - - News - Beth Camia

Dumistansy­a ang Malacañang sa plano ng ilang senador na kuwestiyun­in sa Korte Suprema ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibasura na ang Visiting Forces Agreement (VFA).

Depensa ni Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo, ipauubaya na lamang ng Malacañang sa Supreme Court usaping pagkuwesti­yon laban sa pasya ng Pangulo.

Karapatan umano ng mga mambabatas na dalhin sa Kataastaas­ang hukuman ang usapin. Gayunman, iginiit ni Panelo na hindi mababago ang desisyon ng Pangulo na ibasura na ang VFA.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.