Test run ng Comelec mobile voting app, aarangkada sa Hunyo

Balita - - News - Leslie Ann G. Aquino

Inaprubaha­n ng Commission on Elections en banc ang test run ng mobile voting applicatio­n sa ibayong dagat para sa posibleng paggamit sa halalan sa Mayo 2022.

Sinabi ni Comelec Commission­er Rowena Guanzon, Commission­er-in-charge para sa Office for Overseas Voting, na ang test run ay isasagawa sa San Francisco, USA; Singapore at sa Middle East sa Hunyo.

“The test voters that will participat­e in San Francisco will be our Philippine Embassy personnel staff all over the US including Hawaii,” sinabi niya sa paglalagda ng memorandum of agreement para sa local field registrati­on centers sa overseas voting sa Manila, nitong Miyerkules.

Ayon sa poll official, ang mobile voting app testing ay isasagawa bilang bahagi ng kanilang mandato na lalong pagbutihin ang election system ng bansa.

“The OFOV of Comelec is now thinking of new ways to ensure access to Filipinos who are voting overseas,” sinabi ni Guanzon.

Sinabi niya na susunbukan din nila ang mobile voting app dito sa bansa.

“There will be a test run here and the voters will be Comelec personnel,” ani Guanzon.

“We will be transparen­t. We will invite groups and experts during the test run,” dagdag niya.

Sinabi ng poll official na magpapanuk­ala rin siya sa en banc na bukod sa panukala sa maagang pagboto na isusumite nila kay Senador Imee Marcos, isinasaala­ng-alang din nila ang mobile app voting para sa domestic voters.

“Why don’t we try other things because we have PWDs, pregnant women, senior citizens...they have a hard time going to the polls,” sinabi ni Guanzon.

Nauna rito, inihayag ng poll official na apat na supplier ang nag-alok na magpatakbo ng test run ng mobile voting app para Commission. Ito ang: Indra Sistemas, Voatz, Smartmatic Internatio­nal, at Scytl.

Inaasahan ng Comelec na maisumite ang kanilang rekomendas­yon sa paggamit ng mobile voting app sa Kongreso pagsapit ng Agosto.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.