Kelot, tepok sa pamamaril

Balita - - News - Mary Ann Santiago

Isang lalaki ang nasawi nang paulanan ng bala ng mga hindi pa nakikilala­ng salarin sa Barangay Bagong Silang, Mandaluyon­g City kamakalawa ng hapon.

Dead on the spot ang biktimang si Vergilio Soriente, alyas ‘John John,’ 47, ng 140 Neptali Gonzales Street, Hagdan Bato Itaas, Bgy. Bagong Silang.

Sa ulat ng Mandaluyon­g City Police Station, naglalakad ang biktima sa panulukan ng Sen. Neptali Gonzales Street at P. Queta Street, nang bigla na lamang lapitan at pagbabaril­in ng mga hindi pa nakikilang salarin, dakong 4:30 ng hapon.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktima dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Tumakas ang mga salarin matapos ang insidente.

Patuloy pang iniimbesti­gahan ng pulisya ang kaso.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.