10 sugatan sa aksidente

Balita - - News - Bella Gamotea

Sugatan ang 10 katao matapos araruhin ng isang rumaragasa­ng sports utility vehicle ang isang motorsiklo, e-bike at mga kariton ng vendors sa harapan ng simbahan sa Parañaque City, kamakalawa ng gabi.

Agad na dinala sa pagamutan ang apat na lalaki at anim na babaeng biktima na hindi pa pinangalan­an ng awtoridad, matapos magtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Hawak naman ng Paranaque City Police ang suspek na si Allan Respecia y Acebedo,nasa hustong gulang,drive ng itim na Fortuner na may plakang RPM 55,at residente sa 1089 DF Yuseco Street,Tondo,Manila.

Sa inisyal na ulat ng Station Traffic Investigat­ion Unit (STIU), naganap ang aksidente sa harapan ng gate ng 2 Baclaran Church,Redemptori­st Road, Bgy. Baclaran, dakong 9:40 ng gabi.

Minamaneho ni Respecia ang SUV at nakatakda sana umano siyang magpark sa lugar nang biglang mawalan ng kontrol sa sasakyan at hindi gumana ang umano ang preno dahilan upang araruhin nito ang tatlo pang sasakyan.

Patuloy na iniimbesti­gahan ng awtoridad si Respecia at mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injuries and damage to property.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.