Menor de edad, 1 pa kulong sa droga

Balita - - News - Bella Gamotea

Isang lalaki at kasama nitong babaeng menor de edad ang dinakma ng mga pulis sa ikinasang buy-bust operation sa Pasay City,kamakalawa ng gabi.

Nakakulong na sa Pasay City Police ang suspek na si Jonathan Dozado, alyas ‘Atan’,25 ,habang nakatakdan­g iturn-over sa Pasay City Youth Homes sa ilalim ng pangangala­ga ng Department of Social Welfare and Developmen­t ang kasama nitong si alyas ‘Felis’,16, estudyante.

Sa ulat, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU) sa pangunguna ni Cpt. Deni Mari Pedrozo sa No. 2196 Tramo Street,Barangay 118 sa Pasay City,dakong 11:50 ng madaling araw.

Magkasabwa­t umano ang dalawang suspek nang bentahan ng droga ang isang poseur buyer sa lugar na nagin g dahilan ng pagkakaare­sto ng nga ito.

Nakumpiska sa mga suspek ang tatlong pakete na naglalaman ng hinihinala­ng shabu na nagkakahal­aga ng P61,200.00; itim na leather pouch; digital weighing scale at buy-bust money.

Sasampahan ng kasong Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Pasay Prosecutor’s Office ang dalawa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.