Balita

‘Lockdown’, ipinatutup­ad sa Sagada vs COVID-19

- Ni RIZALDY C. COMANDA

BAGUIO CITY – Dahil sa patuloy na banta ng 2019 novel coronaviru­s disease (COVID 19), pansamanta­ng ipinatigil ng municipal government ang anumang eco-tourism activities sa Sagada, Mt. Province, na kilala bilang ‘Hanging Coffin of the North’.

Ang nasabing hakbang ay ipinatutup­ad alinsunod na rin sa Executive Order No. 07-20 na ipinalabas kahapon (Pebrero 13) ni Mayor James Pooten.

Ang Sagada ay kilalang dinadayo ng mga turista, karamihan ay foreigner dahil sa angking-yaman nito sa kalikasan at makasayasa­yang ‘Hanging Coffin’ at mummy caves.

Sinabi ni Pooten, ang desisyon ay base sa pakikipagp­ulong nito sa mga opisyales at health authoritie­s dahil sa patuloy na outbreak ng virus at base na rin sa panawagan ng World Health Organizati­on na ipagbawal muna ang anumang matataong activities upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente.

"Mahirap gawin ito, lalo na’t maraming negosyante ang maaapektuh­an, pero mas mahalaga na pag-ingatan ang kaligtasan ng mga residente, lalo na’t mas maraming foreign national ang bumibisita sa Sagada,” pahayag ni Pooten.

Kamakailan ay sinuspinde naman ng Kalinga ang kanilang Silver Anniversar­y at Bodong Festival sa layuning maiwasan ang nasabing virus mula sa mga dadayong turista para na rin sa kapakanan ng mga residente.

 ?? RIZALDY C. COMANDA ?? BAWAL MUNA Sa isang litrato na kuha kamakailan, makikita ang hanging coffin na dinadayo ng mga local at foreign tourist sa Sagada. Ipinagbawa­l muna ng pamahalaan­g lokal sa lugar ang pagsasagaw­a ng eco- tourism activities bunsod ng banta ng COVID 19.
RIZALDY C. COMANDA BAWAL MUNA Sa isang litrato na kuha kamakailan, makikita ang hanging coffin na dinadayo ng mga local at foreign tourist sa Sagada. Ipinagbawa­l muna ng pamahalaan­g lokal sa lugar ang pagsasagaw­a ng eco- tourism activities bunsod ng banta ng COVID 19.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines