Pangasinan farmers, binalaan vs 'army worm'

Balita - - News - Liezle Basa Iñigo

ASINGAN, Pangasinan – Binalaan ng Department of Agricultur­e (DA) ang libu-libong magsasaka sa lalawigan kaugnay ng pagsalakay ng bagong peste sa kanilang pananim na tinatawag na army worm.

Sa pahayag ng DA, nagsimula na sa pag-atake ang nasabing peste, partikular na sa maisan sa Barangay Cabalitian, Baro, Bantog, Ariston East at West.

Sa panayam kahapon sa kay Asiangan-Public Informatio­n Officer Omeng Aguilar, ang peste ay tinatawag na Spodoptera frugiperda o mas kinilala bilang Fall Army Worm.

“Uod ito talagang napakabags­ik ‘pag umaatake hanggang doon sa may puno inuubos nila halos walang natitira doon sa mais lalo sa early vegetative stage ng mais pero kapag malaki at may bunga na at may flowery stage na ay hindi na kaya, kasi matigas na,” pahayag naman ni Municipal Agricultur­ist Ernesto Pascual.

Sinabi naman ni Maria Jonabel Gidayao, municipal corn coordinato­r ng nasabing bayan, ibang species na naman ito na lahat ng pananim ay pwede niyang kainin, kahit magpalit ka ng tanim pwede niyang puntahan uli pwede siyang lumipat sa palay pwede lumipat sa ibang crop pero mostly ang gusto niya puntahan mais yung white corn.

Iminungkah­i naman ng DA na bantayan ang pananim para maiwasan masira ng peste.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.