Jeepney driver, utas sa pasahero

Balita - - News - Light A. Nolasco

PALAYAN CITY, Nueva Ecija – Inaalam pa ngayon ng pulisya ang motibo sa pagpaslang sa isang jeepney driver matapos na barilin sa loob mismo ng ipinapasad­a sa Aurora Road, Bgy. Malate ng lungsod na ito, nitong Miyerkules ng umaga.

Sa report ng Palayan City Police Station, kinilala ang biktima na si Maynard Cervantes, 35, tagaSocial, Bongabon, ng nabanggit na lalawigan.

Sinabi ng pulisya, patungong Cabanatuan City ang ipinapasad­ang jeep ng biktima nang parahin ito ng grupo ng mga suspek sa Aurora Road, dakong 10:15 ng umaga.

Pagsakay ng mga ito sa jeep, agad na binaril ng isa sa suspek si Cervantes na agad namang isinugod ang biktima sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center kung saan ito binawian ng buhay dahil sa tama ng bala sa ulo.

Sa follow-operations ng pulisya, kaagad na naaresto ang isa sa mga suspek na nakilalang si Jayson Angeles, 20, isang constructi­on worker habang nakatakas naman sina Randy Boy Miguel at David Torralba, taga-Bgy. Marcos Village na pinaghahan­ap pa ng mga awtoridad.

Narekober din ng pulisya ang ginamit na baril (cal. 9mm pistol).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.