Balita

Estudyante, huli sa R100K shabu

- Fer Taboy

Dinakip ng mga awtoridad ang isang estudyante nang mahulihan ng ng P100,000 halaga ng shabu sa isang buy bust operation sa Cabadbaran City, Agusan del Norte kamakalawa ng gabi.

Nakahandan­g ipagharap ng kasong paglabag sa Art II Sections 6, 11 at 12 sa Republic Act 9165 ang suspek na kinilalang si Jonathan Cailing Sarusad, 23-anyos, binata, estudyante.

Ayon sa report ng Cabadbaran City Police Station(CCPS), ang suspek ay naaresto sa Phase 2, Bgy. 12, dakong 10: 55 ng gabi.

Isinagawa ng pulisya ang operasyon matapos na makakuha ng search warrant mula kay Judge Emmanuel E. Escatron, Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 2, Libertad, Butuan City.

Si Sarusad ay itinuturin­g top high value target personalit­y sa nabanggit na lalawigan.

Narekober sa kanya ng pulisya ang 14 sachet ng umano’y shabu na nagkakahal­aga ng P100,300.00.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines