Water level ng Angat dam, bumaba

Balita - - News - Beth Camia

Nabawasan pa sa magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa abiso ng Philippine Atmospheri­c, Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion (PAGASA) Hydrology Division, dakong 6:00 ng umaga kahapon nang maitala ang 202.91 meters ang lebel ng tubig sa nasabing dam.

Mas mababa ito kumpara sa 202.97 meters na water level nito, nitong Huwebes.

Bahagya ring bumaba ang water level ng La Mesa dam habang walang pagbabago sa antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.14 meters.

Nabawasan din ang water level ng San Roque, Pantabanga­n, Magat at Caliraya dams.

Habang nadagdagan naman ang antas ng tubig sa Ambuklao at Binga dams.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.