Faith Da silva, ‘di nakakausap ang amang si Dennis

Balita - - Showbiz Atb - Nitz Miralles

Si Faith da Silva ang agad naming naalala nang mabasa ang balitang sentenced to life imprisonme­nt for rape ang ama niya at dating actor na si Dennis da Silva. Nakausap kasi namin si Faith sa mediacon ng Anak

ni Waray vs. Anak ni Biday , kung saan, kasama siya at gumaganap sa role ni Agatha na anak ni Dorcas (Teresa Loyzaga). Hindi pa lang lumalabas ang kanyang karakter sa primetime series ng GMA-7 na napapanood pagkatapos ng 24

Oras.

Sa pakikipag-usap kay Faith, inamin nitong hindi niya nadalaw ang ama mula nang makulong at wala rin silang komunikasy­on. Hindi niya alam ang magiging reaction niya kapag nakita ang ama at hindi rin niya alam kung ano ang sasabihin dahil never silang nagkaroon ng fatherdaug­hter relationsh­ip.

At least, nagpakatot­oo si Faith sa kanyang sagot, hindi nagpaka-sweet sa kanyang sagot. Kaya lang kung ganitong for life na ang sentensya sa ama sa kulungan, hindi kaya mabuti kung kahit isang beses man lang, dalawin niya ang kanyan ama?

Faith

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.