My heart bleeds for them –Aiko

Balita - - Showbiz - Ni REGGEE BONOAN

KINUKUWEST­IYON ng netizens si Aiko Melendez na nagpopost ng pagsuporta nito sa ABSCBN #notoABS-CBNshutdow­n gayung GMA artist siya dahil sa teleseryen­g Primadonna­s.

“Ang tagal ko din naging parte ng ABS CBN, madami akong magandang proyekto nagawa sa kanila. Nagkaroon ng ibat ibang papuri sa mga awards. Malaki ang naitulong ng ABS sa akin. Bagamat ako ay nasa GMA hangad namen na maayos ang kanilang franchise dahil sa huli lahat tayo ay nasa iisang industry. Tayo ay magkapuso at magkapamil­ya. #notoabscbn­shutdown,”

ipinaskil ng aktres sa kanyang Instagram account kamakailan.

May post din siya ng ratings ng Primadonna­s at katapat nitong Kadenang Ginto, na nagtapos na nu’ng nakaraang Linggo.

Hindi napigilan ng aktres ang sarili at sinagot ang mga kumuwestiy­on sa kanya.

“Why are we pleased with Others Misfortune­s??? The emotion of pleasure in one’s misfortune­s is an evil act. It is considered to be less acceptable than envy. Which is regarded as deadly sin. I was bombarded with messages in my IG account regarding my stand in ABS CBN’s shutdown,” saad sa huling post ni Aiko.

“To quote some, ‘Ms Aiko ba’t ka nagpo-post ng ratings ng Primadonna­s na mas mataas kayo sa kabila tas you are supporting ABS?

My reply was, ‘It is not about whose who anymore, ratings, who is better. It’s for humanitari­an reasons too why this is my stand. A lot of people will lose their jobs. And some of them I have worked with, so my heart bleeds for them. ‘

“Wag tayong maging mababaw sa oras na ganito. I will never rejoice on the thought that while my position is secured with GMA still madami ang mawawalan. Sana malinaw tayo sa ganyan. Madami akong kaibigan also sa ABS CBN.

“And while our network GMA 7 has never taught their talents to be happy about this current situation of their rival network. In fact, they sympathize with them too. Its evident unspoken agreements. Iisang industry kami natural lang, we got each other back,” litanya ng magaling na aktres

At dahil sa suportang ibinibigay ng ilang GMA 7 personalit­ies sa ABS-CBN ay abut-abot ang pasalamat ng Kapamilya network sa kanila at makikita ito sa mga social media accounts.

Samantala, tinanong namin si Aiko kung paano nila iseselebra ng boyfriend niyang si Vice Governor Jay Khonghun ang Araw ng mga Puso ngayon.

“Wala pa plan ate Reg pa surprise na pack-up kami me taping dapat ako bukas, now lang na-pack up,” sabi sa amin.

Aiko at mga anak

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.