Anthony Castelo, mapapanood na sa Youtube

Balita - - Showbiz - Ni REMY UMEREZ

SIMULA Feb 14, at every Friday, ay mapapanood ng online viewers ang In The Islands w/ Anthony Castelo a pre-recorded program tampok ang musika ng Filipino OPM legend, singer- composer na si Anthony Castelo for broadcast over YouTube channel at 7pm.

Ang host ay walang iba kundi si Anthony na lumikha ng theme song titled I’m Coming Home Philippine Islands. Nanirahan man ng mahabang panahon sa United States ay nanatiling nationalis­tic si Anthony sa puso at diwa.

Siya ang nasa likod ng mga timeless songs gaya ng Balatkayo, Kaibigan, at Nang Dahil Sa Pag-ibig. Ilulunsad din ang Minamahal Kita, Pilipinas

Castelo sa show.

Itinataguy­od ng In The Islands ang national pride and positive Filipino values. Mga Pinoy dito at sa ibang panig ng mundo ang target ng show na produced ng Oxin Entertainm­ent, sa direction ni Xion Lim.

Sa pre-recorded program ay tampok ang musika ng OPM legends. Sa mga susunod na episodes ay mga panauhin sina Pilita Corrales, Freddie Aguilar, Teresa Loyzaga, DJ Alvaro, Carla Can, Aileen Papin at Hannah Villame. Sina Amay Bisaya at Rey Valenzuela ang resident comedians. also composed by

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.