Balita

First V-Day nina Derek at Andrea, sa Japan

- Nitz Miralles

SA Japan nag-celebrate ng kanilang first Valentine’s Day sina Derek Ramsay at Andrea

Torres kasama ang parents ng aktor at ang mom ng aktres.

Naintriga lang ang shippers nina Derek at Andrea sa caption ni Derek na “Yata” na ang alam ng ibang netizen, ang ibig sabihin daw sa Nihonggo ay “I do.” Hindi sinagot ni Derek ang tanong kung tama ang hinala nila na “I do” ang ibig sabihin noon.

Kaya ang fans ng dalawa, kinukumbin­se na sina Derek at Andrea na magpakasal na lalo na at nasa tamang edad na sila pareho. Gusto na ng kanilang fans na makita ang magiging mga anak ng dalawa.

Isa pang hinihintay ng fans ay kung kailan sisimulan nina Derek at Andrea ang taping ng bago nilag teleserye sa GMA-7 na Sanggang

Dikit. Gusto na kasing mapanood ng fans ang favorite real couple nila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines