Matatanda sa cruise ship, pauunahing bumaba

Balita - - Showbiz -

TOKYO (Reuters, AFP) – Pahihintul­utan ng Japan ang mga pasahero na mahigit 80 taong gulang ang edad at ang mga dati nang may iniindang karamdaman sakay ng naka-quarantine na Diamond Princess cruise ship na mas maaagang bumaba kaysa nakaplanon­g Pebrero 19, iniulat ng Japanese public broadcaste­r NHK nitong Huwebes.

Sinabi ni Health Minister Katsunobu Kato na nais ng mga awtoridad na pababain na ang matatanda mula sa barko kapag naging negatibo sila sa virus, at nag-alok na ilagay sila panunuluya­n na itinalaga ng gobyerno.

‘’We wish to start the operation from tomorrow or later,’’ wika ni Kato sa mga mamamahaya­g.

Samantala, 44 pang katao na sakay ng barko na nakadong sa baybayin ng Japan ang nasuring positibo sa novel coronaviru­s.

Ayon kay Kato, ang 44 na bagong kaso kahapon ay mula sa 221 pang bagong sinuri. Itinaas nila ang bilang ng mga impeksyong na-detect sa Diamond Princess sa 218, bilang karagdagan sa isang quarantine officer na nagpositib­o rin sa virus.

Sa mga bagong na-diagnose na impeksyon, 43 ang mga pasahero, at ang isang miyembro ng crew.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.