Balita

UN Security Council hiling ang ‘lasting ceasefire’ sa Libya

-

UNITED NATIONS, United States (AFP) – Pinagtibay ng UN Security Council nitong Miyerkules ang isang resolusyon na nanawagan ng ‘’lasting ceasefire’’ sa digmaan sa Libya, kung saan umiiral ang isang marupok na truce mula pa noong Enero.

Ang teksto, nilikha ng Britain, ay naaprubaha­n ng 14 na boto sa 15, kasama ang Russia na umiwas.

Kinumpirma ng resolusyon ang ‘’need for a lasting ceasefire in Libya at the earliest opportunit­y, without preconditi­ons.’’

Nagpahayag din ito ng ‘’concern over the growing involvemen­t of mercenarie­s in Libya.’’

Isinulong ng Russia na palitan ang salitang ‘’mercenarie­s’’ ng ‘’foreign terrorist fighters.’’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines