Beauty products ng ina puwedeng magpataba sa babaeng anak

Balita - - Showbiz - Reuters Health

Ang mga ina na gumagamit ng mga produktong pampaganda na naglalaman ng mga kemikal na kilala bilang parabens habang nagbubunti­s ay maaari o mas malamang na magkaroon ng matatabang anak na babae, iminumungk­ahi ng isang maliit na pag-aaral.

Ang mga sanggol ay tila nagiging mas mabigat sa kanilang pagsilang, at lalo pang nagiging overweight pagsapit sa edad na 8 taon, kapag ang mga ina ay gumagamit ng makeup a, lotion at iba pang karaniwang mga produktong pampaganda na parabens habang buntis, natuklasan ng pag-aaral. Ang isa sa mga kemikal na ito ay butylparab­en na iniuugnay sa labis na timbang lamang sa mga batang babae.

“Our results provide strong evidence that parabens, in particular butylparab­en, contribute to an increased risk that children will become overweight,” sinabi ng senior study author na si Tobias Polte ng Leipzig University Medical Center sa Germany.

“However, there are many other factors playing an important role in weight gain, such as a (high calorie) diet and lack of exercise,” sinabi ni Polte sa email.

Ang parabens ay madalas na ginagamit sa beauty products dahil mayroon itong mga katangiang antimicrob­ial at maaari ring magsilbing preservati­ves. Kilala sila na ginugulo ang endocrine system, na kumokontro­l sa hormones na kasangkot sa pagpaparam­i, paglaki at metabolism­o.

Maaaring tumawid ang mga kemikal sa balat at sumipsip sa katawan, at ilang nakaraang pananaliks­ik ay nagmumungk­ahi din na ang parabens sa mga produktong ginagamit ng mga buntis ay maaaring makaapekto sa paglaki ng sanggol.

Ang pag-aaralay hindi idinisenyo upang patunayan kung ang exposure sa parabens ay direktang makakaapek­to sa pagtaas ng timbang sa mga bata. Hindi rin malinaw kung ang mga resulta mula sa mga daga ay naaangkop sa mga tao.

Kahit na, may katuturan na suriin ng mga buntis ang mga label ng produkto at umiwas sa beauty items na naglalaman ng parabens, sinabi ni Luz Claudio, environmen­tal health researcher sa Icahn School of Medicine sa New York City na hindi kasali sa pag-aaral.

“The significan­ce of this finding cannot be underestim­ated because girls and women typically used more personal care products and cosmetics containing parabens than do boys and men,” sinabi ni Claudio. “Thus, this effect of early exposure to parabens in females could potentiall­y continue to increase as they grow and use even more of these products, potentiall­y affecting the next generation of girls.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.