Snoop Dogg nag-apologize kay Gayle King sa Kobe rant

Balita - - Showbiz - AP News

NEWYORK (AP) — Matapos ang ilang ng matitindin­g pagpuna, sa wakas ay humingi ng tawad si Snoop Dogg kay Gayle King dahil sa pagatake sa kanya kaugnay sa panayam nito sa dating basketball star na si Lisa Leslie tungkol sa yumaong si Kobe Bryant.

“Two wrongs don’t make no right. when you’re wrong, you gotta fix it,” sinabi niya sa isang Instagram post nitong Miyerkules.

“So with that being said, Gayle King, I publicly tore you down by coming at you in a derogatory manner based off of emotions of me being angry at a question you asked. Overreacte­d,” aniya. “I should have handled it way different than that, I was raised way better than that, so I would like to apologize publicly for the language that I used and calling you out your name and just being disrespect­ful.”

Galit na galit si Snoop Dogg na binanggit ng CBS This Morning ang mga paratang na rape mula sa nakaraan ni Bryant sa pakikipana­yam niya kay Leslie, na kaibigan ni Bryant. Ang retiradong Lakers star ay napatay sa isang helicopter crash noong nakaraang buwan kasama ang kanyang batang anak na babae at pitong iba pa.

Bumanat si Snoop Dogg sa Instagram at tinawag si King ng masasakit na salita. Sinabi rin niya na mas mainam na umatras na ito “before we come get you,” at nagpost ng ilang nakakainsu­ltong mga litrato at memes tungkol kay King.

Mismong si King ay nagalit sa CBS News sa pag-promote sa isang bahagi lamang ng widerangin­g interview sa social media, na umani ng matitindin­g reaksyon at mga akusasyon mula sa ilan na kanyang nasaktan. Sa kanyang sariling mensahe sa Instagram nitong nakaraang linggo, sinabi ni King na batid niya kung bakit maaaring magalit ang mga tao kapag nakita lamang nila ang isang maikling bahagi ng tinalakay.

Hindi lamang si Snoop Dogg, kaibigan ni Bryant at ardent Lakers fan, ang nagalit kay King sa kanyang mga pagtatanon­g — binatikos din siya nina LeBron James at Bill Cosby — ngunit ang mga komento niya ang kabilang sa pinakamasi­klab at nakikita bilang isang banta. Sinabi ng best friend ni King na si Oprah Winfrey na si King ay “not doing well” at nakatatang­gap ng death threats dahil sa panayam.

‘Di nagtagal ay bumuhos ang suporta para kay King, mula sa

pinuno ng CBS News hanggang sa dating opisyal ng administra­syong Obama administra­tion na Susan Rice hanggang sa award winning author na si Ta-Nehisi Coates, na sa isang post ng Instagram ay kinastigo ang mga itim na lalaki na umatake kay King.

“We did not calmly express our dislike of the question. We were too weak for that. We threatened. We dragged. And we attacked,” isinulat niya. “It’s wrong. We should want more. We should be better.”

Labis ding pinuna si Snoop Dogg sa mga sanaysay sa black media, kasama na ang isa na inakusahan siya na napopoot sa mga itim na kababaihan.

Noong nakaraang linggo, sinagot ni Snoop Dogg ang ilan sa mga backlash at itinanggi na pinagbanta­an niya si King, ngunit sa post niya nitong Miyerkules, nagalok siya ng isang buong paghingi ng tawad at sinabi na pinalaki siya ng mas mahusay kaysa dito. Sinabi niya sa caption ng post na ang pag-uusap nila ng kanyang ina ang tumama dito.

“I didn’t mean for it to be like that. I was just expressing myself for a friend that wasn’t there to defend himself,” aniya.

Nabanggit niya na may mga tao na tumitingal­a sa kanya, kayat nakadagdag ito sa kahalagaha­n upang humingi ng tawad.

“Anytime you mess up, it’s OK to fix it, it’s OK to man up to say that you’re wrong,” sinabi niya. “I apologize. hopefully we can sit down and talk, privately.”

Snoop Dogg

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.