Balita

TIYANAK

Ika-39 na labas

-

HINDI ipinaglihi­m ni Tandang Mundong kay Allea ang dahilan sa paggamit niya ng kaaalaman mula sa itim na aklat at iba pang gamit sa ritwal para buhayin ang patay na sanggol. Ayon pa sa matandang albularyo, ginamit niya ang mga tiyanak para itaboy ang mga masamang loob na nagkuta sa liblib na bahagi ng kanilang barangay. Idinagdag pa ni Tandang Mundong na tagumpay ang ginawa niya dahil natakot at tuluyang umalis sa barangay Alagaw ang masasamang loob na nagnanakaw ng mga alagang hayop ng mga taga-barangay at ipagbibili sa malayong lugar. Ayon pa sa matandang albularyo, nagmula ang mga tiyanak sa sanggol na naagas na nakuha niya pagiging hilot at tiyanak na binuhay ng mga kapamilyan­g sila Tandang Tonyo at Tandang Edoy na kinikilala rin ang husay at galing sa pangagamot bilang albularyo, magtatawas at hilot sa kanilang barangay.

“Kawawa naman pala ang mga kabarangay natin sa panahong nagkuta sa liblib na lugar ng barangay ang masasamang loob na’yun, Lolo Mundong,” wika ni Allea. “Tiyak na naghirap sila.”

“Tutuo ang sinabi mong ‘yan, Allea,” sagot ni Tandang Mundong.

“Kaya dahil sa ginawang ito ng masasamang loob, marami ang nagutom at nagkasakit sa ating kabarangay.”

“Bakit hindi ho naitaboy ng pulis ang mga masasamang loob?” Tanong ni Allea.

“Naku, kakaunti pa ang pulis sa bayang nakakasako­p sa ating barangay ng panahong ‘yun kaya kabayanan lang at malalapit na barangay sa bayan ang nababantay­an,” paliwanag ni Tandang Mundong. “Kaya kahit labag sa kalooban ko ang pakikialam­an sa katahimika­n ng mga naagas na sanggol, pinakialam ko.”

“Ano ho’ng ginawa ng mga tiyanak sa masasamang loob, Lolo Mundong?” Tanong pa ni Allea.

“Gumala ang mga tiyanak pagsapit ng dilim para salakayin ang masasamang loob na gumagala rin sa ating barangay para nakawin naman ang alagang hayop ng mga tao,” paliwanag ni Tandang Mundong.

“Tiyak hong may baril at iba pang sandata ang masasamang loob kaya malamang na lumaban sa mga sanggol na binuhay ninyo at naging tiyanak,” sagot ni Allea.

“Tama ka, Allea,” wika ni Tandang Mundong. “Talagang lumaban ang masasamang loob sa mga tiyanak na sumalakay sa kanila habang nagnanakaw ng alagang hayop ngating mga kabarangay.”

“Ano ho’ng nangyari?” tanong ni Allea.

“Natakot ang masasamang loob at tumakas sa labanan dahil hindi tumalab sa mga tiyanak ang bala ng kanilang baril,” sagot ni Tandang Mundong. “At tiyak ko, ganito rin ang mangyayari sa gagawin mong

paghihigan­ti sa tatlong lalaking pumatay sa iyong mga magulang.”

Matapos ang saglit na pag-uusap nila Allea at Tandang Mundong, inasikaso ng dalaga ang pagliligpi­t sa mga gamit. At sa hangaring patigilin ang pag-iingay ng mga pusang galang inampon, ibinigay ni Allea ang mga pagkaing inimbak niya sa refrigerat­or na para sa mga hayop. Dahil hindi pa rin nalilimuta­n ang nakasanaya­ng pag-inom ng alak na barikolkol ni Tandang Mundong, nagtagay sa munting baso at dahan-dahang tinungga hanggang masaid ang laman. Nagmula ang alak sa isang boteng long neck na ibinigay ni Rolan ng umuwi siya sa barangay Alagaw.

“Lolo Mundong, tutuloy na ho ako sa kuwarto, itutuloy ko na ang pag-aaral sa itim na aklat” paalam ni Allea.

“Sige, Allea,” sagot ni Tandang Mundong na hawak ang munting basong naglalaman ng itinagay niyang alak na barikolkol.

Itutuloy...

 ??  ??
 ?? R.V. VILLANUEVA ??
R.V. VILLANUEVA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines