Binangonan vs Paranaque sa CBA title?

Balita - - Balita -

GINULAT ng Binangonan ang defending champion San Juan, 85-79, habang nadomina ng Parañaque ang Palayan City, 94-75, upang makalapit sa minimithin­g title showdown sa Community Basketball Associatio­n (CBA) Pilipinas Executive Cup basketball tournament kamakailan sa Binangonan Recreation Center.

Hataw sina Felipe Chavez, John Paul Pineda, JL De los Santos at Marwin Dionisio sa kabuuan ng laro para sandigan ang Challenger­s sa malaking panalo laban sa liyamadong Knights.

Tumapos si Chavez na may 20 puntos at siyam na rebounds, habang tumipa si Pineda ng 20 puntos at apat na rebounds para maungusan ng Binangonan ang San Juan, 11-6, sa huling anim na minuto tungo sa panalo.

Nag-ambag si De los Santos ng 17 puntos at siyam na rebounds, habang kumana si Dionisio ng 15 puntos at walong rebounds para makumpleto ng Challenger­s ang come-from-behind mula sa paghahabol sa 14 puntos na bentahe ng Knights.

Nanguna si Noah Lugo sa San Juan na may 15 puntos, limang rebounds at tatlong assists, kasunod si Adrian Nocum na may 12 puntos at siyam na rebounds.

Kakailanga­nin ng Binangonan at Parañaque na mailusot ang Game 2 sa Linggo para makamit ang slots sa championsh­ip match.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.