Balita

2nd Lian Chess tournament sa Lian

-

HANDA na ang lahat sa pag-inog ng pinaka-aabangan na 2nd Lian Chess Tournament na tutulak sa Pebrero 16 sa Lian Municipal Hall, Lian, Batangas.

Ito ay magkatuwan­g na inorganisa nina Lian Chess Club president Iniño Vergara Bolompo at Lian Chess Club vice-president Eric John Lamano na layuning makatuklas ng future chess master sa 1-day grassroots level rapid chessfest na suportado mismo ng local government ng Lian, Batangas sa pangunguna ni mayor Isagani I. Bolompo.

Bukas ang torneo sa lahat ng mga manlalaro na hinati sa dalawang dibisyon. Ang 1st place sa Open category ay tatangap ng P3,000 at tropeo habang maibubulsa naman ng 2nd place ang P2,000 at tropeo at maiuuwi naman ng 3rd place ang P1,000 at tropeo. May tig P500 naman ang top senior at top female. Sa kiddies division, ang top 3 ay tatangap ng tig P3,000, P2,000 at P1,000 plus tropeo ayon sa pagkakasun­od habang tig P500 naman ang top under 10 at top under 8.

Kabilang sa mga naunang nagpatala ay sina Raizza Mae Dimayuga, Marvin Como, Rian Paul F. Tenorio, Wrizzia Xeill C. Tenorio, Noah Ezekiel M. Pon-An , Jonas Tenorio, Jean Clouie Tabiolo, Quinn

Kerbie B. Molino, Jamie G. Laparan, Jared M. De Villa at Ezekiel Pabalan.

Ipapatupad ang five rounds swiss system, 25 minutes play to finish game kung saan P300 ang registrati­on fee.

Sa detalye ay hanapin sina Lian Chess Club vice-president Eric John Lamano (0927-937-7457), Mr. Ron Lubugan (0917-629-1926) at Mr. Antonio Malinay (0955-7236481).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines