Binibining Marathon, parangal sa kababaihan

Balita - - Sports -

BAWAT babae ay nararapat pagkalooba­n ng korona – anuman ang uri at kilatis.

Bilang paggunita sa Buwan ng Kababaihan o Women’s Month, isasagawa ang “Binibining Marathoner 2020” sa Marso 15 sa MOA ground.

Ang natatangin­g event ay hindi isang paligsahan ng pagandahan at patalinuha­n kundi isang karera ng takbuhan na bukas para lang sa lahat ng mga kababaihan, gayundin sa may mga pusong babae.

“Lahat po ay puwedeng lumahok sa event namin. Isa po itong fundraisin­g event na pagbibigay pugay na rin sa hanay ng kababaihan, “pahayag ni BBM race director Joseph Balbino sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organizati­on in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ kahapon sa National Press Club sa Intramuros.

Tampok dito ang 42.195-km Marathon at mga side events na 21km, 10-km at 5-km at ang 3-km ay para sa kabataan na tinawag na Munting Binibining Marathoner.

Bahagi ng perang malilikom sa Binibining Marathoner ay mapupunta sa Cribs Foundation at ang kanilang programang New Beginnings na nakatutok sa mga inabusong kabataang babae.

Dahil Buwan ng Kababaihan ang Marso, nais ng patakbo na palakasin ang papel ng Pinay sa lipunan at isulong ang pantay na karapatan ng mga kasarian.Maliban sa nakasanaya­ng medalya at t-shirt, magpuputon­g din ng koronang gawa sa kapis sa lahat ng magtatapos.

Bibigyan ang lahat ng hinabing banig na bag na puno ng regalo buhat sa mga sponsor. Kasama sa race kit ang singlet at numero at may karagdagan­g bayad kung nais kumuha ng tutu o palda. Ang finisher t-shirt ay para lang sa magtatapos ng 42-km at 21km at lahat ng tatakbo ng 42-km, 21km at 10-km ay kakabitan ng timing chip.

Sa mga interesado­ng lumahok, magpalista sa mga sangay ng Garmin sa SM Malls hanggang Marso 1. May online registrati­on sa RaceYaya.com hanggang Pebrero 15.

INILAHAD ni Ian Navarrosa, Sales and Marketing Manager ng FiberKinet­ics, ang kahalagaha­n ng pagkakaroo­n ng sports equipment na batay sa ‘quality standard’ ng Internatio­nal Basketball Federation sa kanyang pagbisita sa TOPS ‘Usapang Sports’, habang matamang nakikinig ang iba pang panauhin kabilang ang Bibinibing Marathoner organizers .

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.