Balita

PH shuttlers, humirit sa Singaporea­n

-

NAITALA ni Solomon Padiz ang makapigil-hiningang come-frombehind win para makumpleto ng SMASH Pilipinas Men’s Badminton Team ang panalo laban sa Singapore at buhayin ang pag-asa na makausad sa quarterfin­als ng 2020 Smart Badminton Asia Manila Team Championsh­ips nitong Miyerkoles sa Rizal Memorial Coliseum.

Nakuha ni Padiz ang 21-10, 21-19 panalo kontra Wing Darrion Ng sa huling singles match para akayin ang Pinoy sa panalo sa torneo na itinataguy­od ng SMART Communicat­ions Inc., MVP Sports Foundation, Leisure and Resorts World Corporatio­n, Cignal, at TV5.

“Na-feel ko na ibigay ko lang ‘yung best ko,” pahayag ni Padiz. UAAP Season 82 Rookie of the Year. “Nothing to lose naman po eh, pero mas okay naman na manalo po kami.”

Dikitan ang laban nina Ng at Padiz sa second game, bago nakuha ng Pinoy ang match point sa 2017. Ngunit, hindi naging madali kay Padiz ang sitwasyon matapos makaiskor ang Singaporea­n para sa 19-20. Sa huling palitan ng palo, nagawang makasikor ni Padiz para selyuhan ang panalo ng home team.

“Naka-adjust po ‘yung kalaban sa game ko, and ‘yun nga, nadulas po ako kanina. Sumasakit po ‘yung [waist ko]. Pero part of the game naman po,” sambit ng pambato ng National University Bulldog.

Tinapos ng Philippine­s ang group phase na may 1-1 karta.

Sakaling mabigo ang Singapore sa Chinese-Taipei, makakausad ang Pinoy sa knockout quarterfin­als ngayon.

Naitabla ng Pinoy ang ties nang magwagi sina Joper Escueta at Paul Pantig kontra Abel Tan at Jia Howin Wong, 21-16, 21-16, sa second doubles match.

Nakuha ng Singapore ang bentahe sa panalo nina Loh Kean Yew at Jason Teh kina Ros Pedrosa at Lanz Zafra sa unang dalawang singles match.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines