US fencers, angat sa UAAP

Balita - - Sports -

GINAPI ni Samantha Catantan si Angel Beltran, 15-6, sa all-University of the East girls individual saber final para sa ikalawang gintong medalya sa UAAP Season 82 fencing tournament nitong Miyerkoles sa Paco Arena.

Pinanguhan­an ni Andrea Matias ang Recto-based squad sa 1-2 finish sa girls epee kontra Jaymi delos Santos, 15-13 para maibigay sa UE ang tatlong ginto at tatlong silver medal.

Nadomina rin ng Junior Warriors ang boys division sa panalo ni Shawn Felipe laban sa nakababata­ng kapatid at reigning MVP Prince John, 15-9, sa isa pang all-UE finale sa individual foil.

Target ng Junior Warriors ang ika-10 titulo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.