EAC Generals, diniskaril ng Chiefs

Balita - - Sports - Marivic Awitan

TILA madidiskar­il pa ang target ng Emilio Aguinaldo College na makopo ang second seed sa men’s division papasok ng semifinals ng NCAA Season 95 Volleyball Tournament.

Ito’y matapos silang masilat ng Arellano University kahapon sa isang dikdikang 5-setter ,22-25, 23-25, 25-22, 25-21,15-12, sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Umiskor ng 23 puntos si Jesrael Liberato mula sa 18 attacks at 5 blocks upang pamunuan ang nasabing panalo ng Chiefs.

Dahil sa panalo, umangat ang Chiefs sa markang 6-2, panalotalo, isang panalo na lamang ang pagkakaiwa­n sa kanilang biktima na nalaglag sa kartadang 7-2.

Kasunod ni Liberato, nag-ambag naman ng tig-13 puntos ang mga kakampi nyang sina Christian de la Paz at Kim Tan sa naturang panalo ng Chiefs.

Nasayang naman ang monster game ni Joshua Mina na 27 puntos lahat galing sa attacks, 17 digs at 24 receptions dahil di nya naipanalo ang Generals. Samantala sa women’s division, nakasiguro ng playoff para sa isa sa bentaheng twice-to-beat sa semis ang reigning titlist Arellano Lady Chiefs matapos walisin ang EAC Lady Generals, 25-15, 25-14, 25-20.

Ang panalo ang ikapito ng Arellano kontra isang talo habang nalasap naman ng EAC ang ikawalong talo kontra isang panalo. Marivic Awitan

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.