Balita

PSC Visayas program, kinansela rin sa CoV

- Annie Abad

PATULOY ang pag-iingat na ginagawa ng Philippine Sports Commission (PSC) upang protektaha­n ang mga kabataang atleta sa buong bansa sanhi ng banta ng Corona Virus Disease (COVID19).

Kaugnay nito ay kinansela na rin ng nasabing ahensiya ang kabuuang 80 iba’t ibang grassroots sports program sa Visayas na nasa ilalim ng pammahala nito at ng Philippine Sports Institute (PSI).

Mismong si PSC Commission­er Ramon Fernandez ang nagsabi na target ng ahensiya na ituloy ang mga nakanselan­g programa sa Hulyo.

”We are playing it by ear with the recent situation in the country. But definitely, the PSC is ready to proceed,” ayon kay Fernandez.

Kabilang sa mga sports program na hindi muna matutuloy ay ang 30 edisyon ng UNESCO- Children’s Games na nakatakda sa mga siyudad sa Visayas at sa mga munisipali­dad ng nasabing kapuluan, pati na ang pitong edisyon ng Consultati­ve Planning & Coaching Certificat­ion kasama ang sa Negros Occidental, Cebu at sa Southern Leyte.

Kasama din sa kanselado ang mga nakatakda sanang Sports Journalism Seminar para sa mga campus sportswrit­ers sa Aklan, Bohol at Samar.

“We want to capitalize in bringing sports to the youth sector of the region and raise awareness among children and parents of sports,” ayon pa sa PBA Legend na si Fernandez.

Gayunman, isa sa mga nakalinyan­g event ng ahensiya ang Children’s Games sa Limasawa, na isasabay sana sa selebrasyo­n ng isla para sa ika-499 anibersary­o ng unang misa dito ang pinag-aaralan ngayon kung itutuloy o hindi.

Ayon kay Fernandez nakikipagu­ganayan ang lokal na gobyerno ng nasabing lugar sa pangunguna ni Mayor Melchor Petracorta sa Department of Health (DOH) at sa iba pang sanghay ng gobyerno kung itutuloy ang nasabing event.

“Despite our current situation, preparatio­ns for these programs are on-going,” ani Fernandez.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines