Meat products na may ASF, sinunog

Balita - - News - Betheena Kae Unite

Sinira na ng pamahalaan ang kargamento­ng produktong karneng nahawaan ng African swine fever (ASF) na nanggaling sa China, kamakailan.

Sa pahayag ng Bureau of Customs (BoC), ang nasabing meat products ay sinunog sa Integrated Waste Management sa Trece Martirez, Cavite, kamakailan.

Ayon sa BoC, ang nabanggit na produkto ay kinabibila­ngan ng dumplings, pork-chicken balls, at roast chicken wings.

Sinira ang nasabing mga produkto sa pamamagita­n ng thermal decomposit­ion.

Kabilang sa nangasiwa sa nasabing pagsusunog ang mga tauhan ng BoC, Bureau of Animal Industry (BAI), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Philippine Coast Guard.

Matatandaa­ng naharang ang nasabing kargamento­ng nakaconsig­n sa Dynamic M Internatio­nal Trading, Inc., nang palabas na sana sa Manila Internatio­nal Container Port (MICP) nitong nakalipas na Disyembre ng nakaraang taon.

Pormal na kinumpiska ang kargamento nang matuklasan ng pamahalaan na positibo sa virus.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.