Negosyante, binaril ng mister ng kanyang kinakasama

Balita - - News - Jun Fabon

Himalang nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang 38-anyos na negosyante matapos umanong pagbabaril­in ng asawa ng kinakasama nito sa Quezon City, iniulat kahapon ng Crimial Investigat­ion and Detection Unit (CIDU).

Base sa report ng CIDU, kinilala ng biktima na si Randy Pascual, 38, negosyante, at nakatira sa Campo Tino, Bgy. Purok Dos, Nueva Ecija.

Si Pascual ay agad naisugod sa San Juan Medical Center at agad nalapatan ng paunang lunas kung saan ligtas na siya sa tiyak na kamatayan.

Habang ang salarin ay si Alyas Bernard, nasa hustong gulang ng

Bongabong, Nueva Ecija, umano’y asawa ng babae ni Pascual.

Sa ulat ni PLt. Col. Elmer Monsalve, hepe ng CIDU, pasado 7:00 ng gabi kamakalawa nang maganap ang pamamaril sa biktima.

Naglalakad umano ang biktima at kasamang babae sa may northbound ng EDSA at nang pagsapit sa kanto ng Aurora Blvd. E. Rodriguez Ave., Cubao, ay bigla na lamang sumulpot ang suspek na si Bernard at agad na binaril ng dalawang beses ang biktimana.

Agad naman na nakatawag ng taxi ang kasamang babae at naisugod noon din sa naturang ospital ang biktima.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.