Balita

‘Patient zero’ tinutugis

-

SINGAPORE/SEOUL/LONDON (Reuters) – Tatlong linggo na ang lumipas at patuloy ang paghahanap ng global health authoritie­s sa taong nagdala ng novel coronaviru­s sa meeting ng British gas analytics firm na Servomex, isang kumpanya na nagbebenta ng gas meters, sa Grand Hyatt Singapore na pagkatapos ay kumalat sa limang mga bansa mula South Korea hanggang Spain, na nahawaan ang isandosena­ng katao.

Sinabi ng mga ekspereto na mahalaga na mahanap ang tinatawang na “patient zero” para masundan ang lahat ng mga potensyal na nakalantad sa impeksyon

at makontrol ang outbreak, ngunit habang lumilipas ang oras, mas mahirap ito.

“We do feel uncomforta­ble obviously when we diagnose a patient with the illness and we can’t work out where it came from...the containmen­t activities are less effective,” sinabi ni Dale Fisher, chair ng Global Outbreak Alert and Response Network na nakipagtul­ungan sa World Health Organisati­on.

Unang nagpahiwat­ig ang mga awtoridad na isa ito sa Chinese delegates, na kinabibila­ngan ng isang nagmula sa Wuhan – ang lungsod sa China na nasa sentro ng virus na pumatay ng mahigit 1,350 katao. Ngunit sinabi ng isang Servomex spokespers­on sa Reuters na ang Chinese delegates ay negatibo sa test.

Inihambing ni Fisher at iba pang mga eksperto ang pagpupulon­g ng

Singapore sa isa pang tinatawag na “supersprea­ding” incident sa isang hotel sa Hong Kong noong 2003 kung saan isang may sakit na Chinese doctor ang nagkalat ng Severe Acute Respirator­y Syndrome sa buong mundo.

Binuksan ng WHO ang isang pagsisiyas­at sa insidente sa Singapore, ngunit sinabi na masyado pang maaga para masabi na ito ay isang supersprea­ding event.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines