Arra San Agustin susi ang parents

Balita - - Showbiz -

INAMIN ni Arra San Agustin na malaking tulong ang kanyang mga magulang upang magawa ng maayos ang kanyang mabibigat na eksena bilang Audrey sa top-rating GMA Afternoon Prime series na Madrasta.

Marami ang humanga sa ipinakitan­g galing ni Arra sa pag-arte kahit pa na heavy drama scenes ang usapan.

Ibinahagi naman ng promising Kapuso actress na susi raw ang kanyang mga magulang upang maayos na magawa ang kanyang emotional scenes.

“’Yung mom and dad ko ‘yung go-to persons ko talaga. ‘Pag may mga emotional scenes na kailangan kuhanan, iniimagine ko sila sa harap ko and napapaiyak na lang ako. Mas lalo ko talaga silang naapprecia­te.”

Samantala, nabuking na ni Sean (Juancho Trivino) si Katharine (Thea Tolentino) sa pagpapangg­ap nito na siya’y nagdadalan­g-tao at si Sean ang ama. Ito na nga kaya ang simula ng tuluyang pagbagsak ni Katharine? Makamtam na kaya nina Audrey at Sean ang kanilang happily ever after? Tutukan ang mga kapanapana­bik na kaganapan sa huling linggo ng top-rating GMA Afternoon Prime series na Madrasta pagkatapos ng Prima Donnas.

Arra Mercy Lejarde

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.