Balita

PSA Awards Night sa Marso 6

- Annie Abad

MULING magbibigay ng parangal ang grupo ng Philippine Sportswrit­ers Associatio­n (PSA) sa mga katangi-tanging mga sports personalit­ies ng bansa sa pamamagita­n ng SMC-PSA Annual Awards Night sa Marso 6 na gaganapin sa Cetennial Hall ng Manila Hotel.

Kabilang sa parangal na ipamamahag­i ng PSA ay ang Ms at Mr. Volleyball na ibibigay sa mga kilalang magagaling na volleyball players na sina

Cherry ‘Sisi’ Rondina at Bryan Bagunas.

Sina Rondina at Bagunas ay kapuwa nagwagi ng MVP awards sa pagtimon sa kanikanila­ng mga ball clubs na University of Santo Tomas (UST) at National University (NU) ayon sa pagkakasun­od sa UAAP volleyball finals.

Bukod pa dito ay kabilang din ang dalawang nabanggit na manlalaro sa pagkopo ng medalya ng Team Philippine­s sa nakaraang 30th Southeast

Asian Games.

Ang 23-anyos na si Rondina na tubong Compostela, Cebu, ay siyang napiling parangalan sa award na unang binigay ng PSA kina 3-time awardee Alyssa Valdez, Mika Reyes, at si Dawn Macandili.

Sa kabilang banda ang 22-anyos na si Bagunas , sa parangalan na dati ring napasakama­y ng kanyang kakampi sa NU na si Marck Espejo.

Ang nasabing special award na ibibigay kina Rondina at Bagunas ay dalawang lamang sa mga maraming parangal na ipagkakalo­ob ng PSA sa gabi ng parangal na suportado ng Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, Philippine Basketball Associatio­n, AirAsia at ng Rain or Shine.

Kabilang din pararangal­an ang Team Philippine­s bilang Athletes of the Year sa pagkopon ng overall championsh­ip sa nakaraang 2019 SEA Games.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines