Balita

24 sex workers, na-rescue

- Ni BELLA GAMOTEA

Dinakma ng mga tauhan ng Makati City Police ang isang maintainer at dalawa umanong bugaw ng isang prostituti­on den habang nailigtas naman ang 24 babaeng sex worker sa Makati City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Makati City Police chief, Colonel Rogelio Simon, ang mga suspek na sina Rafael Rosales, 42, maintainer, at residente sa 2625 Casino Street, Barangay Palanan, panulukan ng Araro, Makati City; Rodolfo Robles y Estrella, 38, ng 2425 Edison Cafe, along Morse St., Bgy. San Isidro sa nasabing lungsod at Josua Rivera y Balbin, 29, ng 171 Electrical Road, Pasay City.

Samantala, dadalhin sa pangangala­ga ng Department of Social Welfare and Developmen­t (DSWD) ang mga nasagip na 24 na babae upang isailalim sa counseling at stress de briefing.

Sa ulat, nagkasa umano ng police at rescue operations ang mga operatiba ng Station Investigat­ion and Detective Management Section (SIDMS) sa pangunguna nina Major Gideon Ines Jr. at Women and Children’s Protection Section (WCPS) Lt. Mylene Juan, sa 2425 Edison Cafe, na matatagpua­n sa Morse St., Bgy. San Isidro sa Makati City, dakong 12:15 ng madaling araw.

Ayon sa report nagpanggap na customer ang isang police asset sa gitna ng operasyon at nagbayad ng P3,000 sa suspek na si Robles kapalit ng pakikipagt­alik sa isang babaeng sex worker ng naturang café na sanhi ng kanyang agarang pagkakadak­ip gayundin sina Rosales at Rivera habang nailigtas naman ang mga nasabing babae sa lugar.

Narekober sa sa kuwarto ng prostituti­on den ang ilang sex parapherna­lia.

Nakakulong sa custodial facility ng pulisya ang tatlong suspek at sasampahan ng kaukulang kaso ang mga ito sa Makati Prosecutor’s Office.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines