JoshNella, muling magsasama

Balita - - Front Page - Reggee Bonoan

KINIKILIG ang JoshNella supporters sa pinost na video clip ni @popoy_ gonzales sa kanyang Twitter account nitong Sabado sa ganap na 2PM na nagte-taping sina Joshua Garcia at Janella Salvador para sa Maalaala Mo Kaya (MMK) sa LRT 2 Gilmore Station, Day 2.

Base sa napanood naming video ay naghihinta­y sa nasabing station si Joshua na nakapang-office work at si Janella naman ay naka-uniporme ng kursong kumukuha ng medikal.

Galing sa loob ng LRT si Janella at lumabas at nakita niya si susunod na kabanata. Joshua naghihinta­y sa labas. Kumaway ang aktor sa mga pasahero ng tren.

Sampung minuto palang itong na-post ay umabot na kaagad sa 60 Retweets, 150 likes at 400 views. Nakakatuwa ang mga pasahero dahil sila mismo ay kinikilig din sa JoshNella at ang iba ay gustong pumunta sa nasabing LRT station.

Ito ang muling pagsasama nina Joshua at Janella pagkatapos ng The Killer Bride.

Ang daming nagtatanon­g kung kailan naman pagsasamah­in sa pelikula ang JoshNella ng Star Cinema?

Abangan ang

Janella at Joshua

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.