Balita

Teenage pregnancy, lumala

- Ni BETH CAMIA

Patuloy na tumataas ang bilang ng mga insidente ng teenage pregnancy sa may edad na 10-14 sa bansa.

Ito ang natuklasan sa survey ng Commission on Population and Developmen­t (POPCOM).

Natukoy na nasa 63 percent na ang itinaas sa bilang ng mga ipinangang­anak ng mga batang ina kumpara sa datos mula 2011 at 2018. Pagbibigay-diin ng POPCOM, nasa 2,250 na sanggol ang ipinapanga­nak ng mga kabataang ina noong 2018.

Samantala, bumaba naman ang insidente ng teenage pregnancy sa may mga edad 15 hanggang 19 sa bansa mula 182,906 noong 2017 at 181,717 noong 2018.

Ipinaliwan­ag ng POPCOM, ang individual at institutio­nal factors ang nasa likod ng pagkakaiba sa trend ng dalawang age groups.

Kabilang sa individual factors ang maagang menstruati­on, kakulangan sa edukasyon at pagiging lantad nito sa mga mapanganib na bagay sa internet at sa grupo ng kaibigan ng kabataan.

Nakapaloob naman sa institutio­nal factors ang pagkalat ng impormasyo­n at access sa serbisyo sa pagpaplano ng pamilya para sa mas batang populasyon.

“Dahil sa institutio­nal work, bumababa ‘yung pregnancy sa 15 to 19 (years old) pero yung 10 to 14 (years old) mas strategic yata ang action na kailangan natin. Dapat it’s more cultural, we need to get more institutio­ns and adults involved,” ani POPCOM chief Juan Antonio Perez.

Samantala, hinati naman ng Department of Health (DOH) ang adolescent bracket sa tatlong grupo: (1) hindi sexually active, (2) sexually active, (3) buntis o magulang na. May iba’t ibang klaseng approach sa bawat isang kategorya.

“Doon sa first group is to delay the sexual activity… for those who are sexually active—protect them from unplanned pregnancy coupled with prevention of sexually transmitte­d infections, HIV… and lastly for those who are pregnant or with children is to prevent rapid repeat pregnancy,” giit ni DOH program manager Dulce Elfa.

Nilinaw ng POPCOM, nasa 130,000 na mga sanggol mula sa teenage pregnancie­s ang anak ng mga kalalakiha­ng edad 20 pataas.

Iginiit naman ni Philippine Legislator­s’ Committee on Population and Developmen­t Foundation, Inc. executive director Romeo Dongeto, hindi lahat ng teenage pregnancie­s ay mula sa mga relasyong konsenswal.

“Sexual violence against children is very much connected to adolescent reproducti­ve health and teenage pregnancy in the country. Ang taas po ng sexual violence sa Pilipinas,” pahayag ni Dongeto.

Walang available na datos ang pamahalaan kung ilan sa mga teenage pregnancy sa bansa ang konektado sa sexual violence, ayon sa POPCOM.

Gamit naman ang isang pagaaral, sinabi ni Kabataan Partylist Representa­tive Sarah Elago na nawawalan ng P33 bilyong halaga ng kita ang Pilipinas kada taon dahil sa naturang usapin sa mga kabataan.

Pahayag niya, dapat ratipikaha­n ang mga bagong batas na pipigil sa pagbubunti­s ng mga kabataan maging ang buong implementa­syon ng Reproducti­ve Health law sa bansa.

Aniya, kailangan ding ibigay sa mga batang magulang ang social protection upang iwasan ang intergener­ational poverty.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines