Senior citizen, obrero nalambat sa buy-bust

Balita - - News - Bella Gamotea

Inaresto ng mga awtoridad ang isang senior citizen at kasama nitong constructi­on worker matapos mahulihan ng P400,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Parañaque City Police chief, Colonel Robin King Sarmiento, ang mga naarestong suspek na sina Armando De Leon y Fajardo, alyas “Edmon”, 60 anyos, residente ng Bonifacio Street, Barangay San Dionisio, ng lungsod, at Wilfredo Beo y Faustino, alyas “Willy”, 46, may asawa, constructi­on worker, ng

Sto. Nino de Coastal, Bgy., Don Galo, Parañaque City.

Ayon sa ulat ni S/M/S Ellan Sagario, may hawak ng kaso, nagsagawa ng buybust operation ang mga operatiba ng station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU) sa pangunguna ni Major Antohony Alising, laban sa dalawang suspek sa Bonifacio St., Bgy. San Dionisio sa nabanggit na siyudad, dakong 12:00 ng madaling araw.

Magkasabwa­t ang mga suspek sa pagbenta ng droga sa isang poseur buyer sa lugar at kaagad silang naaresto.

Nakuha kina De Leon at Beo ang 10 pakete ng ‘shabu’ na tumitimban­g ng 56.82 gramo at nagkakahal­aga ng P386,376 at P200 buy-bust money.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.