Balita

Express food driver, dalagita, huli sa droga, boga

- Bella Gamotea

Diretso sa kulungan ang isang Grab Food driver at kasama nitong 17anyos na babae matapos mahulihan ng tinatayang P95,836 halaga ng pinaniniwa­laang shabu at baril sa isang buy-bust operation ng awtoridad sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Nakapiit na sa detention cell ng Pasay City Police at nahaharap sa kasong Comprehens­ive Firearm and Ammunition­s Regulation Act at

Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si Marvin Bolido y Dela Cruz, alyas “Vhino”, 24, binata, Grab Food driver, kabilang sa drugs watchlist ng pulisya, at nakatira sa No. 583 Facundo Street, Barangay 121 sa nasabing lungsod habang itinurn-over naman sa Pasay City Youth Homes ang kasabwat nitong si alyas “LJ”, 17.

Sa ulat ni S/Sg Scott Arcilla, may hawak ng kaso, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcemen­t Unit (SDEU) sa pangunguna ni Cpt Deni Mari Pedrozo sa ilalim ng superbisyo­n ni Lt. Col. Deanry Francisco, Office-in-Charge ng Pasay City Police, laban sa dalawang suspek sa No. 583 Facundo St., Bgy. 121 sa naturang siyudad, dakong 1:35 ng madaling araw.

Sinasabing magkasabwa­t ang dalawang suspek nang bentahan umano nila ng droga ang poseur buyer sa lugar na sanhi ng kanilang pagkadakip.

Nasamsam sa mga suspek ang siyam na pakete na naglalaman ng ‘shabu’ na 19.3-gramo; improvised glass tube na may natirang ‘marijuana’; isang caliber .45 pistol SN 220543; isang magazine at tatlong bala ng naturang baril; P500 buy-bust money at isang puting Mio motorcycle na may plakang no. 7093WE.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines