Madulas na pusher, huli sa QCPD

Balita - - News - Jun Fabon

Natimbog ng Quezon City Police District ang isang tulak na nasa drug watchlist at nasamsaman ng higit P100,000 halaga ng shabu, kahapon.

Base sa report ng hepe ng District Drug Enforcemen­t Unit (DDEU), kinilala ni PMAJ Timothy Aniway ang madulas na tulak na si Michael Dejayco, 37 taon gulang, residente ng No. 26, K10, West Kamias, Quezon City.

Bandang 10:00 ng umaga kahapon, natimbog ng DDEU, District Mobile Force Battalion (DMFB) at PDEA RONCR si Michael sa buy-bust operation sa Ermin Garcia St. kanto ng Mega Q Mart, Barangay E. Rodriguez, Cubao.

Nakumpiska ng mga otoridad kay Michael ang 25 gramo ng shabu na nagkakahal­aga ng P170,000, drug money at parapherna­lia.

Nakapiit ngayon ang suspek sa detention cell ng DDEU makaraang sampahan sa QC Prosecutor­s Office ng paglabag sa RA. 9165 o Comprehens­ive Dangerous Drug Act of 2002.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.