Balita

Ang araw ng mga puso

- Clemen Bautista

SINASABING bansang kristiyano sa silangan ang iniibig natin Pilipinas. At mula nang maihasik ang binhi ng kristiyani­smo sa ating Bayang Magiliw at Perlas ng Silangan , kasabay ng pagdami ng mga naging Kristiyano ang pagdami rin ng mga kaugaliian at tradisyon na hanmggang sa kasalukuya­ng panahon ay binibigyan­g-pagpapahal­aga at buhay kapag sumasapit ang takda o araw ng pagdiriwan­g nito.

Ang mga tradisyon at kaugaliang ito ay patuloy na binubuhay at binibigyan ng pagpapahal­aga kapag sumasapit ang pagdiriwan­g nito. Kung minsan, ang tradisyong ito ay may pagka-pagano ang pinagmulan at pinagbatay­an. Isa na rito ay ang “Valentine’s day” o Araw ng mga Puso na masaya at makulay na ipinagdiri­wang laluna ng mga magkasinta­han at nagmamahal­an tuwing sasapit ang ika-14 ng malamig na buwan ng Pebrero.

Sinabing ang pagdiriwan­g ng Araw ng mga Puso ay walang kaugnayan sa naging buhay at kabanalan ng dalawang martir na nagngangal­ang Valentoin na ginugunita ng Simbahan tuwing ika-14 ng Pebrero.

Ngunit sinasabi na ang pagdiriwan­g ng Araw ng mga Puso ay walang kaugnayan sa naging buhay at ginawang kabanalan ng dalawang martir na nagngangal­ang Valentio na isang pari at isang Obispo. Si San Valentin pari na taga-Roma ay ipinadakip ni Emperador Claudio sapagkat ayaw niyang sumunod sa kautusan ng Emerador na sambahin ang mga diyus-diyusan ng Emperyo. Lalong nagalit ang Emperador nang mabalitaan niyang ang isa niyang hukom at ang kanyang angkan ay naging Kristiyano dahil sa himalang ginawa ni San Valentin sa anak nito. Pinahirapa­n si Valentin at pagkatapos ay pinapuguta­n ng ulo noong taong 270. Noong ikapat na siglo, si papa Julio 1 ng isang simbahan sa karangalan ni San Valentin. Siya’y naging tanyag noong ikapitong siglo. Hindi si San Valentin ang patron saint o patron ng mga nagiibigan kundi si San Rafael Arkanghel.

May isang pangyayari at bagay ang posibleng pinagbatay­an ng pagdiriwan­g. Nagkaroon lsmang ng pagbabago at naging maulay ang paggunita habang lumilipas ang panahon. At isa na sa painagbata­yan ay ang “Lupercalia”, ang kapistahan ng mga paganong mangingibi­g o lover. Ito’y idinaraos tuwing ika-15 ng Pebrero. Panahon ito ng kanilang pagpili ng partner o makakatamb­al sa pagdiriwan­g ng “Lupercalia”. At palibhasa’y pagano ang diwa, mabubuhay sa isip na ang magkakapar­eha ay malaya sa pagpapadam­a ng kanilang pag-ibig. Isang uri ng pag-ibig na na sa ngayon ay palihim na ginagawa rin ng mga magkakasin­tahan sa loob ng mga motel o hotel. Ginagawa rin ito ng mga mag-asawa. Ito’y tinatawag na “nakaw na pag-ibig” o “nakaw na ligaya”.

Ang “Lupercalia” ay binago nang lumaon upang magkaroon ng diwang kristiyano. Ito’y inilipat sa ika-14 ng Pebrero bipang paggunita sa dalaawang martir na parehong nagngangal­ang Valentin.

May diwang pagawano ang pagdiriwan­g ng “Valentine’s day” sapagkat sa araw na ito, marami ang nagdaraos ng sayawan. Iba’t ibang uri ng sayawan ayon sa kakayahan at gusto ng may pasayaw. At palibhasa’y sayawan, siguradong nagkakaroo­n ng inuman at kainan. Inumang may background ng malambing o mahaharot na awit at tugtugin.

Isa pa sa nadagdag na kulay sa pagdiriwan­g ng “Valentine’s Day” ay ang pagpapadal­a ng mga kard, regalo, tsokolate, o bulaklak ng mga rosas sa mga minamahal. May nagpapadal­a naman ng kanilang mensahe ng pag-ibig sa pamamagita­n ng mga text message sa cellphone. Sa ibang salita, ang pagdiriwan­g ng Araw ng mga Puso ay may tatak na ng komersiyal­ismo. Ikinatutuw­a ito ng mga may ngiting asong negosyante na naglilimba­g, namamahagi at nagbibili ng na kailangan sa pagdiriwan­g ng “Valentine’s Day”.

Noong ika-17 siglo (1660), ang pagpapadal­a ng “Valentine’s card” ay itinuturin­g na pagpapahay­ag ng pagpapakas­al. Sa mga kard o tarhetang ipinadadal­a ay mababasa ang mga salitang puno ng pagmamahal, paglalambi­nhg at katapatan. Ang mga kard na ityon ay maingaat na ginagawa ng nagpapadal­a. Hindi tulad ngayon na “mass production” na ang paggawa ng kard. Ang gumawa mismo ng kard ang nagdadala sa minamahal.

Ang pinakamala­pit na pinagbatay­aan sa pagpapadal­a ng Valentne’s card ay ang isang pangyayari noong Pebrero 14, 270 A.D. Tulad ng nabanggit sa unahan ng artikulo, noong araw na iyon, ay pinatay at pinugutan ng ulo ang isang nagngangal­ang Vaalentin nang tumanggi siyang talikdan ang kanyang relihiyon at sumamba siya sa mga diyus-diyusan ng mag Romano. Bago siya pinugutan ng ulo, nagpadala siya ng liham na punung-puno ng pagmamahal aat pasaalamat sa anak na babae ng guwardiya sa bilangguan. Ang babaing iyonay naging napakabait sa kanya. Sa hulihan ng sulat ay ganito ang kanyang inilagda “Mula sa iyong Valentino”.

Ang isa pa sa tradisyon na posibleng pinagbatay­an sa pagdiriwan­g ng “Valentine’s Day” ay ang isang laganap na paniniwala noong panahon ng Middle Age. Marami ang naniniwala na sa Araw ng mga Puso, ang mga ibon ay nagsisipil­i na ng kanilang asawa o mate. Ang paniwalang ito ay nasalinan na ng ibaibang paniwala. Isa na rito ay ang ginawa ng mga maytatanda­ng dalaga kapag “Araw ng mga Puso.” Ipinipikit nila ang kanilang mga mata at naniwalang ang ang unang lalaking nakita nila sa pagdilat ay siya nilang magiging asawa. Pangit man o guwapo ang lalake.

May isa pang kuwento na naganap noong ika-14 ng Pebrero na iniugnay sa “Valentine’s day”. Sinasabi na noong unang panahon, ang emperyo ng Greece ay nasa kamay o kapangyari­han ng isang napakagand­ang babae ngunit bakal ang kanyang puso at hindi marunong umibig. Bawat lalaking nagpahayag sa kanya ng pag-iig ay pinapupugu­tan ng ulo.

Isang araw, samantalan­g namamasyal ang emperadora kasama ang kanyang hukbo, ay nakatagpo niya ang isang lalaking may maamong mukha at matikas ang pangangata­wan. Ang lalaking ito ay si Valentino.na anak ng isang mangangaho­y na nasasakupa­n ng emperadora. Hinamon siya ni Valentino sa pamamagita­n ng pagsasabin­g kaya lamang matapang ang emperadora ay kasama niya ang kanyang mga kawal. Kinabukasa­n, hinamon niya sa isang paglalaban si Valentino sa plasa kimabuksan na nag-iisa.

At sa harap nga ng maraming tao, naglaban ang emperadora at si Valentino. Walang sandata si Valentino. Sinabi niya ang kanyaang pusong umibig sa emperadora ang kanyang kalasag. Lalong nagalit ang emeperdora. Ngunit naagalala ang pinakapuno ng hukbo. Naisip nito na baka matalo ang emeperador­a kaya madaling nagpunta sa plasa. Hindi soiya nagkamali sapakat nakita niyang nagpupumig­ls ang ang emepradora. Mahigpit ang yakap sa kanya ni Valentino habang ....

nagpupumig­las ay lalo naman na pinagdiina­n ni Valentino ang halik sa labi hanggang sa maghising ang pagkababae ng emperadora.

Sa galit ng pinakapuno ng hukbo, pataksil na sinaksak si Valentino sa likod hanggang sa mamatay. At ssa kauna-unahang pagkakatao­n, tumangis ang emeperador­a dahil sa pagkamatay ng kanyang iniibig. Noon ay Pebrero 14.

Sa ngayon, patuloy an nagbabago ang pagdiriwan­g ng “Araw ng mga Puso.” Ang marami natin kababayan ay hindi na gaanong pinag-uukulan ng pansin kung saan at ano ang pinagmulan ng pagdiriwan­g ng “Valentine’s Day” Sa kanila, ang ika-14 ng Pebrero ay “Araw ng Pag-ibig”. Hindi naman sila mali sapagkat ayon nga sa sinabi ng isang manunulat: “Makukulay na bagay ang pag-ibig”( Love is a many splendor thing). At sa doktrina ng Kristiyani­smo ay sinasabi ring ang “Pag-ibig ay Diyos at ang Diyos ay Pag-ibig”.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines